Advertisers

Advertisers

GEN. MARBIL, IPINASOK SA MULTI MILLION VICE RAKET NI “MAKLANG”!

0 1,395

Advertisers

NI: CRIS A. IBON

SA harap ng malawakang anti-vice operation sa lalawigan ng Laguna, hiniling ng grupo ng Mamamayan Kontra Bisyo at Krimen (MKBK) na nakabase sa Region 4A kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil, na imbestigahan ang aktibidad ng isang grupo na kinabibilangan ng mga aktibo, retirado at dismissed policeman na gumagamit sa pangalan ng tanggapan ng PNP Chief upang makapangotong sa mga ilegalista sa buong CALABARZON.

Hanggang kahapon ay hihigit na sa 100 indibidwal na sangkot sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) con jueteng o bookies ang nasasakote sa magkahiwalay na operasyon ng police team sa ilalim ni Laguna PNP Provincial Director, Colonel Gauvin Mel Unos.



Kabilang sa mga dinakip at kinasuhan ay mga kubrador at kabo ng ipinagbabawal na STL operation sa 24 munisipalidad at anim na siyudad ni Laguna Governor Ramil Hernandez.

Kinilala sa ulat ng pulisya ang mga nadakip, na karamihan mga kubrador ng bookies operator, na sina Manguiat ng Calamba City, Denden ng Calauag, Sherwin ng San Pablo City, Timmy alyas Charlie ng Alaminos, Jayson ng Los Banos at Bay, Eborra at Mayang ng Sta. Rosa, Binan, Tose ng San Pedro, Sta. Rosa at San Pablo, at Fr. Levi ng Cabuyao.

Inatasan ni Col. Unos ang mga operatiba ng Provincial Intelligence and Special Operation Group (PISOG) at Intelligence and Investigation Branch (S2) na ipagpatuloy ang walang humpay na operasyon laban sa mga nalalabing nagtitigas-tigasang STL bookies maintainer sa lalawigan.

Kinilala ang mga ito na sina alyas Tita ng Calamba City, Areza ng Pagsanjan, Pinky, Ruel at ex-Sgt. Dimatulac ng San Pablo City, Nico ng Binan, Kon Robert ng Calauag, Karatehan ng Caluag, Orlan ng San Pablo City, Bong ng Rizal, Jun ng Los Banos, Osel ng Calauag, at 25 iba pa na kabilang sa listahan ng tinaguriang “untouchable” gambling operators ng Laguna.

Bago naluklok bilang Laguna PNP Provincial Director si Col. Unos, ang Laguna ay nangunguna sa limang probinsya sa CALABARZON area na may pinaka-talamak na STL bookies operation batay sa pagsisiyasat ng Committee on Public Order and Safety ng Kamara na pinamunuan ni Laguna Representative Dan Fernandez.



Iniutos narin ni Col. Unos na lansagin ang mga operasyon ng sakla den na pinapatakbo ng isang alyas Leviste sa mga bayan ng Victoria, Liliw, Bay, Rizal at Nagcarlan; Bong ng Sta. Rosa, Cabuyao, Binan, San Pablo at Calamba; Katimbang na bukod sa sakla ay nagpapatakbo at maintainer din ng bookies sa bayan ng Rizal at San Pablo City; Lady Rose ng Los Banos, Victoria at Nagcarlan; Jayson ng Brgy. Bobuyan Calamba City; Jenny ng Cabuyao;Oruga ng mga Brgy. Sampirohan at Karsada, Calamba City at iba pa.

Kasamang iniaatas din ni Col. Unos na lusubin ang mga kuta ng buriki na pinapatakbo ng isang alyas Sgt. Gerry at Roy sa tapat ng Yakult Philippines sa Brgy. Saimsim, Calamba City; at maging ang mga burikian ng isang alyas Ador sa mga Brgy. Paciano Rizal, Turbina, pawang sa Calamba City; at sa Silangan Exit, Cabuyao City.

Taliwas sa matagumpay na anti-STL bookies drive sa Laguna, bokya naman sa kanilang kampanya kontra bookies ang ibang lalawigan, lalo na sa Batangas na pangalawa sa may pinaka-talamak na bookies operation sa rehiyon.

Ratsada din sa Batangas ang operasyon ng burikian ng petroleum products ng magkalaguyong vice mayor sa Brgy. Buli sa bayan ng Taal, na ‘di naman alintana ni Batangas PNP Provincial Director Col. Samson Belmonte.

Ayon naman sa anti crime and vice crusader group, isang alyas “Maklang” na aktibong opisyal ng PNP ang itinuturong pasimuno sa pagbuo ng team ng tong collector upang pangasiwaan ang pagpapasugal ng bookies, buriki o paihi, smuggling, colorum van, illegal terminal at iba pang ilegal na negosyo kapalit ng regular na lingguhan at buwanang “payola” mula sa vice financiers/operators.

Isang alyas Wan-o na tulad ni Maklang ay aktibo ring opisyal ng PNP ay umaakto namang over-all collector, sumusunod sa kumpas ng kanyang kamay o order ang isang alyas Sgt Adlawan, na siya namang ground leader na nagbibigay ng order sa kanilang mga alipores (tong collector) na ang trabaho ay umikot sa mga vice den para damputin ang nagkasunduang halaga ng payola.

Sinabi ng MKBK na hindi dapat magpatumpik-tumpik si Gen. Marbil dahil nakataya ang kanyang pangalan na lantarang niyuyurakan ng grupo ni Maklang na hindi lamang ang pangalan ng Chief ng PNP ang ginagamit sa pangongolekta ng payola kundi kasama ang hepe ng Criminal Investigation Group and Detection Group na si Major General Leo “Paco” Francisco

Isang alyas Magsino naman ang inaresto ng mga operatiba ng CIDG R4A at CIDG Camp Crame habang armado pa ng baril na umoorbit sa mga pinapatungan nitong operators ng STL bookies, pergalan at burikian.

Ang nagpupulis-pulisan na Magsino ay naging kontrobersyal at tampok ng pagbatikos ng mga mamamahayag dahil sa pagpapatakbo nito ng mga pergalan na may shabuhan kasosyo ang isang Malou at Madam Norma sa mga bayan ng Lemery at Taal, Ka Rudy at Onad na may malalaking pasugalan at bentahan ng shabu sa mga bayan ng Tuy at Lian, Lipa City, Tanauan City, Malvar at maraming iba pa.

Si Magsino ay ginagamit din ng maimpluwensya at beteranang operator na kilala sa mundo ng pergalan business bilang “taga-dampot o collector” at nangunguna ang pangalan ng PNP Chief Marbil, CIDG Director MGen. Francisco at maging piling media sa ipinangongolekta ng lagay.

Hihigit pa sa 150 pwesto ng pergalan sa buong Region 4A karamihan ay nasa Batangas, Laguna at Quezon Provinces na marami sa mga mananaya sa pasugalan ay mga estudyante at menor de edad.
Kung susumahin, sa dami ng nag-ooperate na STL con jueteng, pergalan, saklaan, buriki, colorum van, illegal terminal na nagkalat sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), maituturing na multi-million racket ang vice operation at tong collection business ng grupo nina Maklang at Wan-o.
Ang mga burikian na lingguhang nakapayola din sina Maklang at Wan-o ay ang ino-operate ng isang Sgt Buloy sa Batangas City Port Zone, Batangas City kungsaan may operasyon din ng may 500 colorum van at illegal terminal; burikian ni alyas Sgt. Lucky alyas Lakatan sa Brgy. Dalig sa siyudad din ni Batangas City Police chief Lt. Colonel Jephte F. Banderado; burikian na ino-operate ng magkalaguyong vice mayor sa Brgy. Buli kasosyo rin si alyas Sgt. Lucky malapit sa Jollibee at Brgy. Buli Elementary School sa bayan ni Taal Mayor Fulgencio “Pong” Mercado at Police chief Capt Rommel Magno; burikian na minamantine nina Ed at Rico sa Brgy. Bulihan sa Malvar; mga burikian ni alyas Roy at Sgt. Gerry sa Brgy. Saimsim tapat ng Yakult Philippines sa Calamba City; Brgy. San Isidro at Brgy. Malabanban Sur kapwa sa bayan ng Candelaria; at Brgy. Lumingon sa munisipalidad ng Tiaong; burikian ng isang alyas Amigo sa Brgy. Ilayang Talim, Lucena City; at Brgy. Malabanban Sur sa Candelaria; pwesto ni alyas Bong sa likod ng Roadside Inn, Brgy. Isabang; at Troy sa Brgy. Salinas, parehong sa Lucena City at Sammy at Alfred na nagpapatakbo din ng burikian sa Brgy. San Luis, Guinyangan na pawang nasa hurisdiksyon ni Quezon PNP Provincial director Col. Ledon Monte.