Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG ang blockbuster at hit grosser na Hello Love Goodbye ay tumabo sa takilya ng 880M something noon, sa latest naman or sequel ng HLG na may bago nang titulo na Hello Love Again, inaasahan na malalagpasan ng KathDen or sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kinita ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivers na naging box office nito lang nakaraang MMFF.
Dahil umabot sa 1.2B ang kinita ng Rewind ng DongYan.
Dahilan para tanghalin silang Box Office King and Queen.
Aba, tila ayaw pakabog ng KathDen at may banta ang kanilang fans na aagawin ang titulo ng mag asawa.
Inaasahan ng KathDen fans na maagaw ng kanilang mga idolo ang pagiging Box Office King and Queen basta malagpasan lang nila ang kinita ng Rewind.
Abangan!
***
SA pag-alala ni Andrea Brillantes sa kanyang kabataan na noon ay mayayaman ang kanyang mga nakakasalamuhang bata na pawang sa private school nag aaral.
Isa raw sa pangarap ni Andrea ay makapag aral sa private school kaya lang di raw nila kaya dahil mas pinili nito ang pamilya at magugutom sila.
Muntik na rin daw sukuan ni Andrea ang showbiz noon dahil di sapat ang kita niya dahil hindi magaganda ang project ma napupunta sa kanya.
Nagbago lang ang lahat nang mapasama ito sa seryeng Kadenang Ginto bilang si Marga Mondragon.
Doon na nagsimulang mabago ang takbo ng buhay nila at nakabili ng house and lot.
Nagkasunud-sunod na raw ang mga biyaya at kung tutuusin ubra na siyang mag private school pero dahil busy na pinili na lang nito na mag aral at makapagtapos sa Altenative Learning System or ALS kung saan ito nakapagtapos at proud si Andrea dito.
Kung ano man ang narating nito ngayon ay dahil sa kanyang sipag, tiyaga at determinasyon sa kanyang karera na ten years na rin siya sa showbiz industry.
Well, well, well…’Yun na!