Advertisers

Advertisers

Kim ‘wag sanang magaya kay Janine, iniwan ni Paulo matapos ang serye?!

0 10

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

PABALIK-balik ng ‘Pinas si Lovi Poe para sa kanyang product endorsement. Marami rin siyang nakalinyang movie project sa ating bansa, at may mula sa direksiyon ni Jerold Tarog.

E,  ang napangasawa niyang si Montgomery ‘Monty’ ay isang film producer.



Yes, as presstime ay parating ang mister ni Lovi sa bansa at naka-schedule para ipasyal niya sa Boracay at El Nido.

Natanong si Lovi kung may part two ba ang honeymoon nila at planong magka-baby?

“Handa naman po akong magkaanak kung ipagkakaloob ng Diyos. If it happens, I will welcome kids and it would be amazing. But right now, I’m enjoying this part of my life, working and of course, I want to spend more time with my husband since we are always apart. Lilipad naman siya sa ating bansa next week for work and let’s see how it goes.”

***

MISS U PHILIPPINES, NILAIT SA SOCMED



NUONG inihayag na si Chelsea Manalo na, mula sa Malahacan, Meycauyan City (Bulacan) ang inihayag na nanalo sa Miss Universe Philippines ay katakut-takot ang negatibong komento sa kanya. Wika ng isang katoto sa panulat, “huwag kayong racist, kapwa Pinoy natin ang binabanatan niyo, kung makapanglait ay wagas, di ba kakulay natin ang nanalong Miss U Philippines?”

Sey pa ng isang gay vlogger, “pupuntahin na lang si Diwata para manghingi ng balato.”

Oppps, kamukha raw kasi ni Chelsea si Diwata dahil sa kulay ng kanyang kutis.

Isang netizen ang wika naman, “ano ba ‘yan may lutuan, sayang lang pagpupuyat ko tapos ang favorite ko na si Atisha Manalo e, runner-up na lang.

Runner-ups ang representative ng Cainta City (Stacey Gabriel),  Taguig City (Ahtisa Manalo), Quezon Province at  Baguio City (Tarah Valencia). Naligwak naman si Iloilo City.

Isa lang ang masasabi ko, “the decision of the judges is final.” Maging supportive tayo kapag lumaban na si Chelsea sa Miss Universe na gagawin sa Mexico.

***

HINDI naman daw promo gimmick lang ang closeness ni Paulo Avelino at Kim Chui. May kaganapan pa na nagbibigayan sila ng regalo sa isa’t isa. Buhat daw nang magkasama sa seryeng “What’s Wrong with Secretary Kim,” mas nabigyan ng kahulugan na may relasyon na ang dalawa.

Naku, ganyan din nuon na magkasama sina Paulo at Janine Gutierrez. Hanggang matapos ang serye nila e, tila nanlamig ang pagsintang pururot ni Paulo.

Ewan, nagkasawaan ba at nilinlang lang nila ang mga televiewers para lalo sila manabik at tutukan ang serye nila.

Well, sa syobis, si LJ Reyes ang unang  nakarelasyon ni Paulo, binatilyo na ngayon ang anak nilang si Aki at ang relasyon nila ni KC Concepcion.

Sana nga, totoo na may tunay na relasyon sila ni Kim. Huwag naman sana mangyari kay Kim ang sinapit ni Janine na nang matapos ang serye nila ni Paulo ay babu na rin sila.

Natatakot naman kami na tatandang binata si Paulo, huh!