Advertisers

Advertisers

2 katao nalitson ng buhay sa sunog sa Maynila

0 6

Advertisers

Nasawi ang dalawang katao sa sunog na sumiklab sa isang residential-commercial building sa Barrio Kapampangan cor. Pedro Gil St. sa Bgy. 869, Sta. Ana, Maynila nitong Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasawi ang 63-anyos na lalaki at 6-anyos na lalaki.

Nagsimula ang sunog bago mag-alas-5:00 ng madaling araw at agad inakyat sa unang alarma.



“Pag dating ho natin nasusunog na po second hanggang third floor. Yung kalahati po ng third floor ang nasunog,” sabi ni FO4 Joel Jacinto, Sub-station Commander ng BFP Sta. Ana Fire Station.

Ayon sa isang empleyado, puro tindahan ang unang palapag, stockroom ang pangalawa at tulugan ang ikatlong palapag.

Rumesponde ang mga bumbero para maapula ang apoy na idineklarang fire out bago 7:00 ng umaga.

Sinabi ng BFP, nahirapan silang umakyat dahil may mga nakaharang sa mga hagdanan.

Umakyat pa sa bubong ng katapat na gusali ang mga bumbero para mapabilis ang pagapula ng apoy.



“Yung mga hagdan nila may mga nakalagay…. May mga nakaharang na gamit sa hagdanan. Pati yung mga paninda nila nandoon sa hagdanan papunta sa taas. Light materials yung mga paninda nila,” sabi ni FO4 Jacinto.

Sinabi ng isang residente, nakita nilang bumalik sa loob ng gusali ang matandang biktima nang lumikas.

“Paglabas ko po sobrang lakas na. Yung lalaki pinababa namin ‘yung may-ari, hindi namin alam na umakyat ulit. Hindi ko alam bakit umakyat ulit. Baka po apo niya. Naiwan siguro doon,” sabi ni Leo Olasiman.

Tatlong pamilya ang apektado ng sunog.

Hindi naman nadamay ang mga katabing gusali at bahay.

Pansamantalang manunuluyan sa covered court ng barangay ang mga nasunugan.

Sinabi ng BFP, tinatayang P100,000 ang halaga ng pinsala.

Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog.(Jocelyn Domenden)