Advertisers

Advertisers

4 drug den operators arestado sa Cotabato

0 5

Advertisers

Naaresto ang apat na drug den operators, dalawa sa kanila mga babae sa isinagawang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Mother Tamontaka, Cotabato City noong Huwebes.

Sa pahayag nitong Sabado ni Gil Cesar Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nahaharap sa mga kaukulang kaso sina Mohamar Datukaka Mohammad, Junry Mamalinta Riman, Armiya Sali Roman at Regina Roman Mamalinta na nalambat sa magkatuwang na anti-narcotics operation sa Barangay Mother Tamontaka ng PDEA-BARMM at ng pulisya.

Sa operasyong suportado ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na inaresto ng mga PDEA-BARMM agents ang apat na suspects nang bentahan ng 28 sachets ng shabu, nagkakahalaga ng P102,000 mismo sa kanilang drug den sa naturang barangay.



Sa tulong ng mga barangay officials, agad isinara ng mga PDEA-BARMM agents at mga kasapi ng mga units ng PRO-BAR ang drug den nila Mohammad, Riman, Roman at Mamalinta, ngayon nakakulong na.