Advertisers

Advertisers

Albie may ‘K’ maisama sa reunion movie nina Kathryn at Alden; Dominic diniin, ‘di na si Bea ang nasa lockscreen ng cp  

0 11

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

 



SA isang interview kay Dominic Roque, naitanong sa kanya ang tungkol sa pinag-usapang lock screen ng kanyang cellphone na talaga namang nilagyan ng malisya ng netizens.

Ito yung naispatang photo ni Bea Alonzo kasama ang kanyang pet dog na ginawang lock screen ni Dom sa cellphone niya.

Nagsimula ito nang kumalat sa social media ang kuhang video ng isang netizen nang magpa-picture kay Dominic sa isang event

 

Makikita ang dating aktor na hawak ang kanyang cellphone at nang itaas nga nito ang kamay para mag-peace sign ay biglang nag-ilaw ang hawak niyang cellphone.



Nakita sa lock screen ng telepono niya si Bea na nakahiga sa kama katabi ang alaga niyang white maltese dog.

Kaya ang sundot na tanong kay Dominic, hanggang ngayon ba ay si Bea pa rin ang lock screen sa cellphone niya? Natawa muna ang binata sabay sabing, “Wala, iba na.”

 

***

KANYA-kanyang suggestion ang mga faney kung sino ang pwedeng isama para sa inaabangang movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again. Pero mas maraming nagsasabi  na si Albie Casino ang isama sa KathDen movie.

Sabi ng isang faney, “Sa totoo lang, kung bibigyan niyo ng third wheel o katuwang ni Joy sa Canada, sana si Albie Casiño ang piliin ng production.”

Sabi naman  ng isa pa, “We deserve a KathBie reunion after 13 years. Kahit no romantic plot basta makita lang sila on screen.”

O di ba muling nabuhay ang mga tagahanga nina Kathryn at Albie? Actually, bago ang KathNiel ay sila ang original na loveteam. Sila ang magkapareha noon sa remake ng Mara Clara na unang pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes. Naudlot lang ang loveteam nila nang matsismis na si Albie ang nakabuntis noon kay Andi Eigenmann. Na sa kalaunan ay lumabas ang katotohanan na si Jake Ejercito pala.