Bagong gusali para sa retired MPD police, pinasinayaan

Advertisers
MAYROON ng sariling tanggapan-gusali ang mga retired members ng Manila Police District. Ito rin ang bagong tanggapan na magsisilbi sa bagong Manila’s Finest Retirees Association Inc ( MFRAI ) matapos na magsagawa ito ng blessing ceremony na tanda ng completion at opening ng nasabing bahagi ng MPD UN headquarters sa United Nations Avenue Ermita Maanila
Ang pagtitipon ay pinangunahan ng bagong halal na pangulo na si P/Major (Ret,.) Bonifacio V. Aporo kasama si dating MPD District Director Pedro Bulaong at si 5th district Congresman Irwin Tieng bilang guest of honor.
Ang nasabing bahagi ng gusali ng MFRAI ay ipinangalan kay Cong Tieng na nag-bigay ng buong suporta sa renovation at improvement ng nasabing facility.
Sinabi naman ni Aporo na dahil bago lang siya sa organisasyon ng mga retirado, nanawagan siya sa mga dating opisyal at di mga opisyal na magpalista at i-enjoy ang mga pribilehiyo na malapit ng maging available sa mga miyembro.
Ang mga benefits ayon pa kay Aporo ay kinabibilangan ng free medical help, free medicines, hospitalization at maging paglilibingan o burial place.
Para kay Cong Tieng naman, sinabi niya na patuloy siyang susuporta sa mga nasabing retiradong pulis sa MPD sa pamamagitan ng kanyang mga otreach program .
“ Mula po ng bata ako marami ng naitulong sa pamilya namin ang MPD lalo na nga nasunugan kami at hindi nila kami pinabayaan kase po ang negosyo ng pamilya namin nung nasunugan po ang maing warehouse ng mag kitchen wares at dahil po binantayan nila iyong lugar ay wala naka pasok na magnanakaw at mula noon naging malapit na kami sa mga MPD pulis”
Sa bahagi ni dating MPD Director P/Gen Pedro Bulaong (ret.), tanging papuri at pasasalamat lamang ang maibibigay niya kay Tieng sa pag-sponsor nito ng senior citizen bill at marami pang iba.
“ Sana po Cong Irwin balang araw lumawak ang sertbisyo mo hindi lang sa 5th district kunid sa buong Maynila”, pahayag ni Bulaong. (BONG SON)