Advertisers
NAREKOBER ng mga sundalo ang mga pampasabog, caliber .45 pistol at mga magazines sa kanilang military operations s Brgy. Butilen, Datu Salibo, Maguindanao del Sur.
Nakuha ang mga ito matapos ang ilang minutong engkwentro sa pagitan ng mga kasapi ng Joint Task Force Central at ilang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Isang kasapi rin ng BIFF ang nahuli.
Isinagawa ng militar ang operasyon kasunod ng sumbong mula sa mga residente sa nasabing komunidad na nagsasagawa ng extortion activities ang BIFF.
Ang nasabing mga terorista may warrant of arrest dahil sa iba’t-ibang mga kaso.
Una nang sinabi ni 6th Infantry Division Spokesman Lt.Col. Roden Orbon na malayo sa komunidad ang nangyaring bakbakan at walang nadamay na sibilyan.
Tiniyak naman ni 6ID Commander Major General Alex Rillera sa mga residente sa lugar na prayoridad pa rin ng tropa ng pamahalaan na protektahan ang komunidad laban sa anumang banta sa seguridad.