Advertisers

Advertisers

QCITIZENS INIHANDA NA SA EPEKTO NG CASINO GAMBLING!

0 1,896

Advertisers

Bahagi ng pagsusulong sa RESPONSIBLE GAMBLING at GAMING PRACTICES hinggil sa pagbubukas ng SOLAIRE RESORT NORTH CASINO ay inilunsad ng QUEZON CITY GOVERNMENT at ng SEAGULLS FLOCK ORGANIZATION INC. (SFO) ang kauna-unahang INTERNATIONAL CONFERENCE ON RESPONSIBLE GAMBLING AND GAMING ADDICTION nitong May 20-22 sa NOVOTEL CUBAO, QUEZON CITY.

Ang naturang CONFERENCE ay inorganisa rin ng INTERNATIONAL GAMBLING COUNSELOR CERTIFICATION BOARD (IGCCB) na inisponsoran ng PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION (PAGCOR) at nilahukan ito ng clinicians, psychologists, social workers, policy makers, academics, local and government officials at ng gambling/gaming operators.., tinalakay rito ang mga multi-disciplinary solutions for prevention, treatment, research and recovery.

Naging tagapagsalita sina DR. MARC POTENZA na Psychiaty Professor at Director of the Division in Addiction Research sa Yale School of Medicine; PAGCOR CHAIRMAN/CEO ALEJANDRO TENGCO; Chief Executive OFFICER of the Better Institute (USA) JODY BECHTOLD; Vice-President of the International Gambling Counselor Certification Board (USA); Board- Certified Behavior Analyst (USA) DR. ALYSSA WILSON; Responsible Gambling Council (CANADA) TRACY PARKER; Casino Guru (SLOVAKIA) SIMON VINZCE; Professor Emeritus in Psychiatry, UP College of Medicine DR. LOURDES IGNACIO; Psychology Department of Ateneo de Manila University Professor DR. GINA HECHANOVA-ALAMPAY at iba pang lecturers.



“Aside from advocating responsible gambling, the event also aims to be inform about the potential pitfalls associated with gambling and gaming addiction and how to avoid them,” pahayag ni QC MAYOR JOSEFINA “JOY” BELMONTE.

Ang SOLAIRE RESORT NORTH ay ginugulan ng US$1 Bilyon na ang lawak ay 1.5 ektarya at may 526 rooms and suites.., na katatampukan ng 2,669 electronic gaming machined at 163 tables para sa players.

Inihayag kamakailan ni BLOOMBERRY’s CHAIRMAN AND CHIEF EXECUTIVE ENRIQUE RAZON na ang SOLAIRE RESORT NORTH ay magiging fully operations sa taong 2026.., at base sa pagtaya ng MAYBANK SECURITIES INC ay makapag-aambag ang SOLAIRE ng 9% ng BLOOMBERRY’s 2024 GGR at 14% ng 2025 annual total.., na ang kompanyang ito rin ang nangangasiwa ng JEJU SUN HOTEL & CASINO sa JEJU, SOUTH KOREA.

Ipinunto naman ni MAYOR BELMONTE na ang mga kawani ng kanilang CITY GOVERNMENT ay bawal o hindi papapasukin sa CASINO ang 19,000 employees dahil maglalagay ng “facial recognition machine” data bank sa mga litrato ng lahat ng city government personnel upang hindi makapasok ang mga ito sa gambling area.., na ang mga city government employee ay maaaring pumasok sa RESORT halimbawa sa restoran o iba pang amenities ng SOLAIRE at hindi ang gambling area.

Teka.., QC GOVERNMENT OFFICIALS lang ba ang may inisyatiba na bawal ang mga empleyadong pumasok sa gambling area ng SOLAIRE.., dapat ang iba pang GOVERNMENT AGENCIES ay tularan ang panuntunang ipinaiiral ni MAYOR BELMONTE.., o puwede rin bang ang mga mambabatas tulad ng SENATORS at CONGRESSMEN e pagbawalan ding pumasok sa SOLAIRE’s GAMBLING AREA?



“Malaki na ang pera ng QC government pero bakit pinapasok pa ang casino.., kahit saang aspeto ay sugal yan na malaki ang negatibong epekto niyan sa buhay ng tao. Ang ginawa nilang international conference ay bahagi yan ng mind conditioning para mapasang-ayon ang mga taga-QC at hindi tutulan ang operasyon ng casino,” komento naman ng isang human rights advocate/ Inventor na si ENGR. BERNIE LEYTE.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.