Advertisers
Nasawi ang isang miyembro ng Philippine Navy (PN) nang magbigti gamit ang electric wire sa Tanza Cavite nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Po2 Sonny Costa, ng Barangay Julugan 3 Tanza, Cavite.
Sa report, 2:30 ng madaling nang madiskubre ang loob ng banyo ng bahay sa Barangay Julugan 3 Tanza, Cavite,
Sa pahayag ng misis ng biktima si Ronalyn Rao Costa, natagpuan nito ang asawa sa loob ng banyo ng kanilang bahay na walang malay habang nakapulupot ang electric wire sa leeg na nakasabit sa steal bar.
Agad naman humingi ng saklolo ang asawa at dinala ang biktima sa Tanza Specialist Hospital ngunit binawian ng buhay ang biktima habang nilalapatan ng lunas.
Bago ang insidente, sinabi ng ginang na nagkaroon sila nang ‘di pagkakaunawan ng mag-asawa na humantong sa pagtatalo.
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaungay ng nasabing insidente.(Mark Obleada)