Advertisers

Advertisers

Alas ng V-ball!

0 10

Advertisers

Tamang-tama ang bagong bansag na Alas Pilipinas sa ating pambansang women’s team sa volleyball.

Mangyari noong isang Lunes ay pinag-usapan namin ang mga alas ng sport sa OKS@DWBL ng mga batikang sportscaster na sina Bob Novales at Noel Zarate.

Inisa-isa namin mga dahilan ng pag-angat ng women’s volleyball sa bansa.



Ayon sa aming diskusyon ang unang factor ay ang pagbisita ng Brazilian star na si Leila Barros sa Maynila ng ilang ulit. Maganda at mahusay si Barros kaya nagamit ang kanyang popularidad para mapansin ng mga Pinoy ang paborito niyang game.

Pangalawa ay ang pagtaya ng mga pribadong kumpanya gaya ng Sports Vision nina Moying Martelino at Ricky Palou sa kanilang V-League.

Kahit nagsimula sila sa junior basketball ay sinunod nila agad ang V-League ay binigyan ito ng TV coverage.

Sumunod sa kanila ang Metro Sports ni Freddie Infante. Kung V-League ay nakatuon sa collegiate sila naman ay sa haiskul.

Katuwang nilang dalawa ang Shakey’s bilang tagapagtaguyod.



Tapos gumawa rin sina Infante ng para sa elementary na isponsor naman ang Toby’s.

Kinilala din natin ang kontribusyon ng mga liga ng UAAP at NCAA sa paglago ng sport.

Siyempre malaking bagay yung TV exposure Iba pa rin yung mas maraming tao ang nakakapanood ng mga match at nakakaindi ng mga rule ng game.

Maigi rin na may mga volleybelle na superstar sabi ni Zarate na nagsimula sa broadcasting bilang coliseum barker.

“ Yung Allysa Valdez ibang klase talaga, idagdag mo pa sina Jia Morado, Eya Laura, Denden Lazaro at Ponggay Gaston na ang daming follower,” wika ni Zarate na matagal naging play by play announcer ng radio coverage ng PBA.

“Isama mo sa listahan sina Sisi Rondina, Faith Nisperos, Vanie Gandler at Cherry Nunag na pare-parehong kasapi ng Alas Pilipinas, “ dugtong ni Noel Z na ngayo’y International na poker sportscaster.Marami talagang alas ang Pinas.

***

Alam ninyo bang bise-alkalde na ngayon ang retiradong PBA player na si Dondon Hontiveros?

Oo acting vice-mayor na siya ng Cebu City.

Matagal ng konsehal ng siyudad ang pinsan ni Sen Risa at ikalawang beses na siya naupong pansamantalang bise.

Una nang pumanaw ang mayor, ngayon naman suspindido kanilang alkalde. Pumanhik ang nahalal na ikalawang gatpuno kaya akyat din ang isinilang bilang Donaldo.na may pinakamataas na boto sa Sanggunian Panglungsod.

***

Tila all-San Miguel na naman sa dulo ng PBA.

Tanging Meralco na lang sagabal sa gusto ng SMC. Napagbakasyon na kasi ng Beermen ang ROS at isang W na lamang ang kailangan ng Ginebra sa Bolts sa Miyerkules para purong RSA sa finale. Mainam para sa pangkat pero hindi sa kabuuan ng liga.