Advertisers
ISA na namang Filipino boxer ang nalagas matapos yumuko ni Criztian Pitt Laurente kay Mukhammedsabyr Bazarbay Uulu ng Kazakhstan sa round of 64 ng men’s 63.5 – kilogram division sa 2nd World Olympic Qualifying Tournament Linggo sa Indoor Arena Huamark sa Bangkok.
Ang undefeated professional fighter may rekord na 12-0 with seven knockouts, Laurente, 24 ang pinakahuling kaswalti para sa Pilipinong boksingero kasunod ng maagang exit ng beteranong si Rogen Ladon sa 51-kg class.
Nabigo si Ladon kay Rafael Lozano Jr. ng Spain,4-1, Sabado.
Sina Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam at female fighter Hergie Bacyadan na lamang ang nanateling nakatayo.
‘He didn’t throw enough punches…that’s what I saw.’
Nakatakda ang laban ni Paalam sa Biyernes habang si Bacyadan gagawin ang kanyang debut sa 75-kg class kontra Spaniards Dunia Mas Martinez sa Lunes sa round of 64.
Sinabi ni National team coach Elmer Pamisa sa DAILY TRIBUNE sa online conversation na ang General Santos City native ay hindi nakapagsagawa ng magandang punches laban sa dating ASBC Asia Youth champion.
“He didn’t throw enough punches…that’s what I saw. He didn’t move the way he was supposed to,” Wika ni Pamisa, dating standout, mula sa Thai capital.
Samantala, makakaharap ni Paalam si Shukur Ovezov ng Turkmenistan sa round of 32 sa men’s 57-kg division Martes.
Sa ngayon, tatlong fighters ang qualified para sa Paris:: Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Nakuha ni Marcial ang Olympic grade ng mag second place sa 19th Asian Games nakaraang taon sa China habang si Petecio, silver medalist sa Tokyo, at Villegas nasiguro ang kanyang spots sa 1st World Olympic Qualifying Tournament sa Italy sa nakalipas na ilang buwan.