Advertisers

Advertisers

Mayor Honey nanguna sa pagdalo sa 8 oras na ‘Incident Command System Executive Course’

0 12

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang mga city officials sa pagdalo sa walong oras na kurso na Ang layunin ay preparasyon ng iba’t-ibang tanggapan ng lungsod sakaling magkaroon ng emergency.

Nabatid na ang training ay inorganisa ni office of Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles.

Tinawag bilang ‘Incident Command System Executive Course’, ang nasabing training na ginawa sa Bulwagang Villegas, Manila City Hall nitong Lunes, May 27.



Ang mga pinuno at mga kinatawan ng iba’t-ibang kagawaran, tanggapan at departamento nh city government sa pangunguna ni Mayor Lacuna mismo ay sumailalim sa pagsasanay na isinagawa ng mga instructors mula sa iba’t-ibang ahensya ng bansa.

Kabilang sa mga nagsagawa ng training ay sina Aldrin Cuña mula sa National Defense College of the Philippines, Robin Lim mula sa DILG-Central Office Disaster Information Coordinating Center, Mark William Bocalbos mula sa Construction Safety Foundation Inc., Cindy Garcia mula sa FREND Inc., at Jester Wong mula sa Association of Philippine Volunteer Fire Brigades, Inc.. Ang mga nabanggit ay nagbigay ng proper and updated skills and information sa Isang araw na training program.

Sinani ni Lacuna na ang training ay layuning magbigay sa mga partisipante ng tamang kaalaman at kakayahan pagdating ng emergencies.

Ang mga nagsidalo ay inaasahang ibahagi at ituro sa kanilang mga kawani upang magkaroon sila ng mahusay na plano kung paano iha-handle ang pagkakaroon ng mga emergency , lalo na kung ito ay malakihang emergency. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">