Advertisers
KUMBINSIDO kami na hindi natutuwa ang mga Tsinoy (Tsinong Pinoy) sa panunuwag ng China sa Filipinas sa isyu ng West Philippine Sea. Sa pagharap noong Linggo sa Kapihan sa QC sa Mangan-Tila Restaurant, sinabi ni Kin. Wilbert Lee ng Agri Party List na tinututulan niya ang China sa pagbabawal sa mga mangingisdang Filipino na pumunta sa tradisyunal na lugar pangisdaan upang makinabang sa yamang dagat ng ating karagatan.
“Tama na,” ito ang winika ni Lee upang bigyang diin na hindi siya kumporme sa pagbobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga sasakyang dagat na Filipino na naglayag sa sariling teritoryo. Ito umano ang sigaw ng sambayanang Filipino bilang pagtutol sa panunuwag ng China sa mga Filipino sa sariling teritoryo. Hindi katanggap-tanggap, ayon kay Lee, na bawalan ng ibang bansa ang mga mangingisdang Pinoy na mangisda sa sariling karagatan.
Nilinaw ni Lee na bagaman may dugo siyang Chinese, hindi nagbago ang kanyang sentimiyento bilang Filipino. Ipinanganak at lumaki siya sa Filipinas, Filipino ang citizenship, at nanatili siya na Filipino. Nilinaw niya pangunahing hangad niya ang maglingkod sa Filipinas.
Hindi malaki ang sektor ng Tsinoy sa bansa. Galing sa China ang ninuno ng mga Tsinoy noong panahon na magulo ito dahil sa digmaang sibil doon. Umalis sila sa China upang mamuhay ng tahimik at marangal sa mga bansa na kumupkop sa kanila. Marami ang pumunta sa Filipinas, Malaysia, at Indonesia. Maraming Tsinoy at pumalaot sa negosyo at yumaman.
Itinuturing na haligi ng Filipinas ang mga Tsinoy. Marami ang nasa negosyo, pulitika, agham, akademya, sining, at iba pa. Tagumpay ang integrasyon ng mga Tsinoy sa lipunan. Hindi na tahimik ang mga Tsinoy sa agresibong pangangamkam ng China sa ating teritoryo.
Noong Abril, lumantad si Kin. Joel Chua ng pangatlong distrito ng Maynila, upang hingin ang agarang pagbibitiw ni VP Sara Duterte sa Gabinete ni BBM kung hindi siya payag sa liderato ng huli. Hindi natutuwa si Chua sa pagiging tahimik ng Sara sa usapin ng agresibong pag-angkin ng China sa teritoryo ng Filipinas sa WPS.
Hindi mahirap unawain ang paninindigan ni Chua. Kakampi ng Peking ang mga Duterte mula sa ama at mga anak, at kahit mga alila tulad ni Bong Go. Hindi kami nagtaka sa paninindigan ni Chua. Wala siyang paggalang sa Peking. Sa maikling usapan, naninindigan siya na kontra China. Kinatawan ni Joel Chua ang paninindigan ng maraming Chinoy na kontra sa China. Filipino ang mga Tsinoy.
Hindi lang si Chua ang Tsinoy na may malinaw na paninindigan kontra China. Nanindigan kahit si Kin. Jefferson Konghun ng Zambales na hindi tama ang China sa pagbabawal sa mga mangingisdang Pinoy na karamihan ay naninirahan sa kanyang distrito na bawalan at hulihin ang mga mangingisdang Pinoy na pumapalaot sa gawi ng Bajo de Masinloc.
Filipinas ang bansa na nag-aruga sa mga Tsinoy kanila mula pagsilang hanggang nagkaisip at bumaka sa buhay. Sa Filipinas lang ang kanilang katapatan. Kaunti ang ang Chinoy na taksil sa bayan. Hindi nagtinda ng tinapay si Chua; at lalong hindi ulam at congee. Kaisipan ang inilalako. Ito ang pagmamahal sa tinubuang lupa.
***
MAY galawan sa pulisya ng Davao City. 40 Davao City Police Officers ordered relieved; 2 SAF battalions arrive in Davao. Noong Biyernes, ika-24 ng Mayo, 40 police personnel kasama ang pitong station commander ang iniulat na pinalitan sa kanilang puwesto at “reassigned” sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng PRO-XI mula noong araw na iyon. Nabalita na dalawang batalyon ng pulis mula sa Special Action Forces (SAF) ang dumating sa Regional Office ng 9:45 ng gabi ng araw na iyon.
Pinalitan si Police Maj. Catherine dela Rey bilang tagapagsalita ng PRO XI at pumalit sa kanya si Police Col. Jerick A. Filosofo, isang abogado. Sa Special Order NUMBER -SO-RA-2024-1561 na may petsang Mayo 24 at sa utos ni Police Brig. Gene. Aligre Martinez, pinalitan ang mga sumusunod na station commander at mga deputy: PLtCol Ronald L. Lao; PMaj Rosario T. Aguilar; Maj Jimmy D. Evangelista; PMaj Jemuel J. Mamolang; PMaj Joenel S. Pederio; PMaj Noel Villahermosa; PCapt Medardo B. Baleros; PCapt Ronnei G. Batingal; PCapt Henry G. Calvo; PCapt Marlon M. Donquilab; at PCapt Jefferson G. Escasinas.
Pinalitan ang 29 police personnel na iniulat na kasama umano sa pagkamatay ng pitong drug pusher. Iniulat ang pagpili sa mga sumusunod na OIC Station Commander: PMaj Manuel Christian Salgado; OIC Ecoland Police Station; PCapt Ferdinand B. Sonza, OIC Catigan-Eden Police Station; PCapt Julius A. Edpalina, OIC Tugbok Police Station; PCapt Francisco A. Catabas; OIC Toril Police Station; PCapt Ronaldo C. Henson, OIC Talomo Police Station; PCapt Rozalito L. Clapiz; OIC Sta. Ana Police Station; at PMaj Bernie B. Suaga, OIC Chief of Davao City Drug Enforcement Unit.
***
MGA PILING SALITA: “Tumanda ako na may tatlong kategorya ang wind speed: Signal No. 1, Signal No. 2, at Signal No. 3. Pinakamalakas at pinakamatindi ang Signal No. 3 at natatandaan ito, ito ang wind speed na totoong tumuklap ng mga bubungang yero ng maraming bahay at tumutumba sa maraming puno sa paligid. Ayon kay Dr. Esperanza Cayanan, idinagdag ng PAG-ASA ang Signal No. 4 bilang pagkilala sa tumitinding mga bagyo na dumating sa bansa. Ngunit hanggang 2013 iyan, at pagkatapos ng supertyphoon na Haiyan (local name, Yolanda) noong 2013, minarapat ng PAG-ASA na idagdag ang Signal No. 5. Ito ang pinakamalakas na wind speed na maaaring dumating sa bansa.” – PL, netizen, kritiko
“China must stop flexing her muscles around Taiwan and all across the South China Sea. Militarizing the SCS is not the solution. Instead of working with governments to abate the tensions in the region, all Beijing has done is make matters worse. The Taiwanese, like any free and democratic people, have the right to choose their leaders and other elected representatives. I want to assure the new Taiwanese President, Lai Ching-te, that he has allies in the Philippines.” – Sen. Risa Hontiveros
“Sa issue tungkol kay Mayor Alice Guo, simplehan natin: Sinuman ang sangkot sa mga ilegal na gawain, dapat managot, lalo na kung Mayor ka pa. Sa kabila ng ingay at mala-teleseryeng mga viral videos ngayon, dapat klaro sa lahat na ang pinaka-nakakagalit dito ay ang PAGLABAG SA BATAS at paggamit ng kapangyarihan para panigan ang mga sindikato. Deserve ng bawat Tarlakenyo, lalo na ng mga kababayan ko sa Bamban, Tarlac ang pamamahalang tapat at hindi sumasangkot sa mga ilegal na gawain.” – Bam Aquino, dating senador
“Stop your lies and drama! Chinese fishermen are the real culprits responsible for the decline of endangered species in Bajo De Masinloc. It is the illegal Chinese harvesters of giant clams that caused significant damage over the past seven years, leaving nothing behind.” – Commodore Jay Tarriela, spokesman of the Philippine Coast Guard on West Philippine Sea