Advertisers

Advertisers

UN AYAW DIN NG RADIKALISASYON

0 6

Advertisers

NAGKAKAISANG bansa, yan ang di lamang pangalan, kug di kahulugan ng United Nations (UN). Samahan ng mga bansa, malaki man o maliit, mayaman o’ mahirap, basta’t sama-sama para sa kabutihan.

Walang ibang inaasam kung di kapayapaan at katatagan ng bawat isa. Yan ang tanging hangarin nang binuo ang UN. Ayaw na ayaw nito ang kaguluhan.

Kaya naman mayroon din itong tinatawag na Global Programme on Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE). Programang sasawata sa mga paraan pa lamang na bumuo ng lakas para maghasik ng kaguluhan.



Dito sa atin, naka-alalay din ang UN dahil sa programang iyan. Alam ng UN na maraming bumubuo rito ng samahan para makapaghasik ng kaguluhan o’ kaya’y agawin ang kapangyarihan ng pamahalaan.

Sa programang yan ng UN nagagawa nitong maiiwas ang buong mundo sa posibleng kaguluhan. Kaya sa loob pa lamang ng isang bansa halimbawa, gaya ng sa Pilipinas, mas maiging sa pagpoporma pa lamang.ng grupong manggugulo, dapat ay handa na tayong lahat.

Nilalaman ng programa ang mga paraan para kontrahin ang mga ganitong balakin. Kahit na matagal na rin tayong may sariling pamamaraan para labanan ang mga ganitong pagkilos mas maganda na rin tayo ay nakikiisa sa UN, nadadagdagan pa ang ating kaalaman.

Dahil nga nagsisimula ito sa pangrerecruit at sa tinatawag na ‘radicalization’, yun bang binibilog ang ulo ng mga narecruit lalo na ang mga kabataan, sa mga maling ideolohiya, paniniwala at mga pangyayaring di naman totoo, may paraan ang UN diyan.

Sa madaling salita, ang panghihikayat daw ng mga kabataan gaya ng ginagawa ng mga CPP-NPA-NDF ay bahagi na ng terorismo.



So diyan pa lamang, daw dapat maipaalam na bawal na bawal ang ganitong gawain at may kaparusahang naangkop sa krimen ng terorismo. Ito ay para iwasan ng anumang grupo o samahan na gumawa nito.

Pero, matagal na nating naranasan, at nararanasan pa hanggang sa ngayon ang palihim na panghihikayat sa ating mga kabataan ng mga maling samahang mga ito. So ngayong naibahagi ko na sa inyo na kahit ang UN ay ayaw na ayaw ang ganitong istilo, wala tayong ibang pwede ibahagi kung di ang ating pakikiisa sa kanila.

Ito ay ang pakiramdamang maiigi ang mga mahal natin sa buhay lalo na ang mga kabataan sa ating mga tahanan. Alamin kung sino ang kanilang mga sinasamahan, mga grupo nilang kinabibilangan, at maging ang mga mismo nilang mga kaibigan. Nang sa gayon, ay makakasiguro tayo na di sila magiging parte ng isang malaking gawaing terorismo.