Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki na wanted sa kasong murder sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 hinggil sa pinagtataguang lugar ng 44-anyos na akusado kaya nagsagawa sila ng validation.
Nang magpositibo ang natanggap na impormasyon agad nagsagawa ang mga tauhan ng SS8 ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek d10:15 ng gabi sa Villa Campo Gemini St., Barangay 165.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Regional Trial Court Branch 129, Caloocan City noong April 18, 2024 para sa kasong Murder.
Nakapiit ang suspek sa detention cell ng SS8 ng Caloocan City Police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. (Beth Samson)