Advertisers

Advertisers

Bong Go umayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Aghon sa Lucena City

0 4

Advertisers

Kasunod ng pananalasa ng Bagyong Aghon sa lalawigan ng Quezon, imbes unahin ang imbitasyon na paglahok sa makulay na Pasayahan Festival, nagtungo muna si Senator Christopher “Bong” Go sa mga nasalantang residente ng Bagyong Aghon sa Lucena City para tulungan ang mga ito.

Noong Martes, pinuntahan ng Malasakit Team ni Go ang mga pinakasinalantang lugar sa lungsod, bitbit hindi lamang ginhawa kundi pati na ang malalim na pakikiramay sa kalungkutan ng mga residente.

“Namigay tayo ng tulong sa 500 pamilyang apektado ng pagbaha dulot ng bagyong Aghon sa Lucena City, Quezon. Nakiramay rin tayo sa namatayan doon at nagbigay ng kaunting tulong sa kanila. Nakisama rin kami sa kanilang Pasayahan Festival sa araw na iyon sa aming pagnanais na mag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati,” ibinahagi ni Go.



Kabilang sa mga nakaaantig na kuwento ay ang tungkol sa pamilya Señado sa Barangay Ibabang Talim, isang komunidad na sinalanta ng bagyo.

Isang trahedya ang dumating sa sambahayan ng Señado nang ang isang malaking sanga ng puno ng mangga na naputol ng malakas na hangin, ay nahulog at ikinamatay ni Melberto Señado, 39-anyos na single parent.

Sa kanyang hindi napapanahong pagpanaw ay naulila ang kanyang anak na si Zam, 11.

Personal na binisita ng team ni Go ang nagdadalamhating pamilya, ipinaabot ang kanyang simpatiya at suportang pinansyal upang matulungan silang makabangon sa krisis.

Ipinaabot din ng senador ang kanyang tulong sa iba pang pamilyang nagdadalamhati, kabilang sina Archie Miguel sa Barangay Talao-Talao at John Rey de Ramos sa Abella Compound. Ang dalawang pamilya na nasalanta ng pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, ay nakatanggap sa Malasakit Team ng moral at materyal na suporta.



Labis na naantig sa kalagayan ng mga pamilya, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng suporta ng komunidad at pamahalaan sa mga hindi inaasahang sakuna.

Mahigpit na nakipagtulungan ang pangkat ng senador sa mga lokal na opisyal, kabilang kina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala, at tiniyak ang tulong sa mga apektadong pamilya.

“Laging nandirito ang aking opisina para makatulong, makapagbigay ng mga solusyon sa kanilang mga problema at makapag-iwan ng kaunting ngiti sa panahon ng kanilang pagdadalamhati,” sabi ni Go, na kilala bilang Mr. Malasakit.