Advertisers
MAY bagong posisyon si Gabe Norwood sa Rain or Shine Elasto Painters.
Pinapirma ng team si Norwood ng isang taon na kontrata bilang playing assistant coach para sa Elasto Painters.
Ito ay naganap isang Linggo matapos walisin ng San Miguel Beermen ang Rain or Shine sa PBA Philippine Cup semifinals.
“Gabe Norwood is now a playing assistant coach!” Sambit ng team sa kanilang Facebook.
Sa All- Filipino conference, ang guard ay nag average ng 2-9 points,3.9 rebounds,2.0 assists, 0.7 steals at 0.3 block per game.
Sa commissioners Cup, umiskor siya ng 3.8 points, 1-9 rebounds at 1.1 assists per game.
Nakaraang Linggo binigyang diin ni coach Yeng Guiao na kailangan mapanateli si Norwood at big man Beau Belga, na parehong naglaro sa team ng mahigit dekada, para gabayan ang batang iskwad.
Sinabi ni coach na ang team ay may anim or seven players na may kakayahan na maging kanilang cornerstone. Ang parating na PBA draft,combined sa tulong ng veteran smart Norwood at Belga, ang tutulong sa team sa darating na hinaharap.