Advertisers

Advertisers

Doncic, Irving pangungunahan ang Mavs vs Celtics sa NBA finals

0 2

Advertisers

PANGUNGUNAHAN nina NBA scoring champion Luka Doncic at sharpshooter Kyrie Irving ang opensiba ng Dallas Mavericks laban sa pinapaboran na Boston Celtics kapag nagsimula ang NBA Finals Huwebes (Biyernes Manila time).

Umalis si Irving sa Boston limang taon ang nakaraan para lumipat sa Brooklyn, naiwan sina Jayson Tatum at Jaylen Brown na binuhat ang Celtics sa leagues top club na may NBA -high 64 wins ngayon season.

“They’re the best team in the NBA,” Wika ni Doncic.”They have by far the best record, some incredible weapons on offense and defense so we’re going to have to play really hard and amazing basketball to beat them.”



Binuhat ni Tatum ang Celtics sa 2022 final, kung saan nabigo sila sa Golden State.

“There’s a lot myself, and we, can learn from the experience of being in the finals and this go-around is a lot different,” Sambit ni Tatum. “I’m really just looking at it as a second chance and trying to simplify things as much as we can.”

Nasungkit ng Mavericks ang kanilang nag-iisang NBA title noong 2011 matapos marating ang 2006 final,na natalo sa Miami.