Advertisers
Nakuha sa isang habal-habal (hindi rehistradong motorcycle taxi) driver ang anim na kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40.8 milyon sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police – Regional Drug Enforcement Unit sa Central Visayas noong Lunes ng gabi.
Nagresulta ang operasyon sa Sitio Arko Ali, Barangay Labangon sa pagkakaaresto kay Joey Iñego, 36, mula sa Sibulan, Negros Oriental.
Sa report, kabilang ang suspek sa top 10 priority wanted list dahil pinangangasiwaan nito ang supply chain ng ilegal na droga ng isang preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sinabi ng pulisya na ang suspek ay maaaring magtapon ng pitong kilo ng iligal na droga kada linggo sa buong Negros Oriental at Metro Cebu area.
Nasa pulisya na ang mga pangalan ng mga downline ng suspek para sa follow-up operations.