Advertisers
Tinutugis ng pulisya ang apat na holdaper na tumangay ng tinatayang P23K halaga ng cellphone at kita ng isang SPA sa Imus City, Lunes ng madaling araw.
Sa ulat, 2:00 ng madaling araw noong Lunes nang pumasok ang mga suspek sa Viga Body Works SPA sa LVS Commercial Building sa Aguinaldo Highway, Brgy Anabu 2-A, Imus City Cavite at nagpanggap na customer.
Pagpasok ng mga suspek sa loob, agad na naglabas ng ‘di nabatid na kalibre ng baril, nagdeklara ng holdap at tinangay ang P2,000.00 cash na kita ng spa at cellphone na nagkakahalagang P21,000.00.
Matapos masamsam ang pakay tumakas na ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.
Nagsasagawa naman ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa pagkakakilanlan sa suspek na isa dito nakilala na si alyas Dading.