Advertisers

Advertisers

UST, NUNS standouts pamumunuan ang Alas Pilipinas U18

0 10

Advertisers

IPINAKILALA ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang opisyal lineup ng Alas Pilipinas U18 women’s team na sasabak sa 15th Asian Volleyball Confederation (AVC) Asia U18 Championship sa Hunyo 16-23 sa Thailand.

Lima sa 13 players ay nagmula sa National University of Nazareth School (NUNS) at anim mula sa programa ng University of Santo Tomas (UST).

Chasliey Pepito, pamangking ng two-time UAAP best libero Detdet pepito ang naatasan na mangalaga sa floor defense kasama si Ghenievib Belen (NUNS).



Kimberly Rubin (UST), Denesse Daylisan (NUNS), at Akeyla Bartolabac (NUNS) ang gaganap na outside hitters para sa national team, habang si Jaila Adrao (UST) at Harlyn Serneche (NUNS) ang pupuno sa opposite position.

Dalawang playmakers ay nagmula sa UST kasama sina Maile Salang, at Aneeza Santos ang mamahala sa opensa, at middle blockers Lianne Penuliar, at Avril Bron.

Samarah Gillian Marzan ng De la Salle – Zobel ang dagdag na puwersa sa outside hitter rotation,habang si Ashley Macalinao ng Montessori School ang gaganap na middle blocker.

Ang head coach ng Alas Pilipinas U18 ay si Akari Chargers’ coach Taka Minowa.

Parehong lineup ang sasabak sa 22nd Princess Cup SEA U18 Championship na magsimula Bago ang AVC na magsisimula sa Hunyo 8-12.