Advertisers

Advertisers

BAKIT SI RISA?

0 69

Advertisers

NAGULAT kami sa pagtanggap ng publko sa nalathalang ulat ng Vera Files tungkol sa panukala na kunin ni Sen. Risa Hontiveros ang timon ng mga natitirang puwersa ng oposisyon. Hindi namin akalain na maalab ang damdamin ng publiko na hindi dapat si Sara Duterte at ang mga taga-Davao City, kasama si Gongdi, ang magpanggap na oposisyon.

Marami ang sumang-ayon na hindi si Leni Robredo ang dapat mamuno sa oposisyon. Kung nais niya tumakbo bilang mayor ng Naga City at huwag pumalaot sa national politics, karapatan niya iyon na dapat igalang ng nasa oposisyon. Pero hanggang maaari, huwag na siyang makialam sa oposisyon. May sariling political dynamics ang pag-imbulog ng oposisyon sa bansa.

Pinakamainam na humalili bilang lider oposisyon si Risa. Taglay ni Risa ang katapangan, tibay ng dibdib, katatagan, at alab ng damdamin na pangunahan ang oposisyon ng bansa. Nagsasalita si Risa sa mga isyu ng bansa. Bilang mambabatas, nagtatrabaho si Riza upang dalhin sa madla ang mga detalye ng mga pangunahing isyu.



Hindi si Sara ang mag-astang lider oposisyon dahil hindi siya totoong oposisyon. Pumuposisyon si Sara upang sakmalin ang bilyon bilyong piso na pondo ng gobyerno. Salapi ng bayan ang hangad niya at kahit ipagtabuyan siya ng kampo ni BBM, nangunguyapit siya sa mayorya at pwesto. Walang alam si Sara sa usapin ng bansa.

Hindi kaya na pamunuan ni Sara ang Deped. Labis na pinagtawanan si Sara na matapos ang ilang buwan ng pananahimik, nag-isyu siya ng pahayag na pangungunahan niya ang isang tree-planting activity ng Kagawaran. Iyan ba ng kaya niyang gawin sa Deped? Treeplanting lang?

Hindi siya nagsalita sa pagkamkam ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Tahimik si Sara sa pagdagsa ng mga Intsik na nagpapanggap na Filipino tulad ni Alice Go. Walang sinabi si Sara tungkol sa napipintong pagdakip ng International Criminal Court (ICC) sa kanyang ama na si Gongdi, o ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu ng EJKs sa Davao City.

***

MALABNAW ang paninindigan ni Leni kontra sa maramihang pagpatay, o extrajudicial killings (EJKs), kaugnay sa madugo pero nabigong war on drugs ni Gongdi. Sa aking aklat, “KILL KILL KILL Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte Et. Al.,” isinulat ko tanging si Sonny Trillanes at Gary Alejano ng Samahang Magdalo ang nagsampa sa ICC ng sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakat sa digmaan kontra droga.



Sumulong ito at nasa estado ng formal investigation. Kinakabahan sina Gongdi dahil maaari silang dakpin anumang oras at dalhin sa ICC headquarter sa The Hague. Pero magkalinawan lang sa isyu. Inilapit ng kampo ni Trillanes kay Leni ang first information kontra kay Gongdi dahil si Leni ang pangalawang pangulo at lider ng oposisyon noong panahon na namayagpag si Gongdi. Malamig ang pagtanggap niya dahil natakot siyang balikan ni Gongdi.

Dumistansya sa kusang palo ng grupo ni Trillanes at nagbabala na baka madamay ang ibang lider oposisyon sa first information na isasampa ng grupo ni Trillanes sa ICC. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya kasama sa sakdal laban kay Gongdi. Halos wala siyang pahayag na kontra siya sa EJKs noong panahon na kasagsagan ito.

Maliban sa puna niya kay Gongdi sa isang recorded speech sa isang United Nations side event sa EJKs. Nang balikan at batikusin si Leni ng mga troll ni Gongdi, o mga DDS, tumahimik siya. May balita na nagpadala si Leni ng emisaryo para kumbinsihin si Trillanes na huwag maghain ng reklamo sa ICC dahil baka pumabor kay BBM ang electoral protest ng huli na nasa Korte Suprema noon.

Hindi lumakas ang Liberal Party sa ilalim ng kanyang liderato. Natalo ang buong tiket ng Ocho Derecho sa pagka-senador noong 2019. Bilang party chairman hindi kumilos si Leni upang palakasin ang LP. Walang party recruitment, fund raising, at party education kahit nahaharap ito sa halalan. Kahit handa ang madla sa LP sa halalan ng 2022, hindi nasinop ang natitirang lakas ng oposisyon.

Hindi namin nalilimutan ang pagwawalang bahala ni Leni sa pangangailangan ng sapat na paghahanda sa halalang pampanguluhan ng 2022. Nagpaimportante at totoong nagpakipot kung tatakbo o hindi. Ibinitin sa loob ng isang taon ang desisyon kung papalaot. Oktubre ng 2021 na siya nagpahayag na tatakbo siya.

Sa maikli, hindi klik ang kanyang “pakipot politics.” Bumalandra sa sariling mukha ang epekto ng kakulangan niya ng masidhing hangarin na mananalo sa halalan. Kahit mayroon siyang lumaking base at maraming tagahanga, hindi kinaya ng makinarya ng oposisyon na igupo ang kalaban. Nakita sa huli ang kakulangan ng paghahanda sa halalan ng 2022. Natalo siya.

Mahusay si Leni Robredo bilang isang community development worker at totoong masipag siya upang gawin ang tama sa bansa. Ngunit hindi siya mahusay na political strategist. Malamig pa sa ilong ng pusa ang kanyang hangarin upang gapiin ang mga kalaban.

Hindi pa tapos ang isyu kay Leni dahil nang natapos ang halalan ng 2022, tuluyan na niyang binitiwan ang alyansang nabuo ng nakaraang halalan. Dumistansya siya at iba na ang inatupag Namasyal saan-saan at tumanggap ng kung ano-anong award. Hindi siya nagpatawag ng anumang miting sa puwersang nabuo noong nakaraang halalan.

Ibang laro ang sumunod dito. Binuo ng mga natirang lider oposisyon tulad ni Risa Hontiveros, Sonny Trillanes, at sino-sino pa ang puwersang oposisyon upang hindi maagaw ng puwersang Davao City ang maging oposisyon. Hindi makaporma si Sara at Gongdi dahil walang maniniwala na oposisyon sila.

Kaya utang na loob sa mga ibang netizen na naghahangad na bumalik si Leni Robredo, tingnan muna ninyo ang katotohanan. Hindi na niya mundo ang national politics. Iniwanan na niya ang pwersang oposisyon. Mangilabot kayo sa inyong pinagsasabi.

***

SULYAP SA KAHAPON. Post ko ito noong 2018 nang nabalita na hinalikan ni Gongdi sa labi ang isang Pinay na may asawang Koreano. Hindi kami nakatiis na linawin ang isyu.

ODD NEWS. It’s a pity that the madman of the South is not taken seriously in other countries. Proof: ‘Kissygate’ was judged as more of odd news by mass media outfits in major capitals of the world. The onstage kissing incident involving the sick old man and a married Filipino woman in Seoul was treated an oddity by newspapers and broadcast stations in foreign countries. In fact, the sick old man was mocked and regarded as a psychopath, or a nutcase. This kind of oddity does not happen in their countries.

Just to give netizens an idea of an odd news, consider the following headlines in tabloids: ‘Babae nanganak ng isda’; ‘I have sex with an alien’;’Atletang babae may dalawang ari’; and several others. In Japan, a major daily has this headline: ‘Crazy Philippine president kisses Filipino woman on stage.’ To his misfortune, the madman is being viewed as mentally unstable.