Advertisers

Advertisers

DAMN IF YOU DO’NT, DAMN IF YOU DO!

0 7

Advertisers

Hiniling ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) na itaas sa P597 ang minimum na sahod para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Ito ay kasunod ng inihain ng grupo na petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR).

Tiniyak naman ng RTWPB-NCR na pag-uusapan ang naturang wage petition sa isang public hearing, alinsunod sa itinatakda ng batas.



Gayunpaman, maaari din aniyang maghain ng opposition ang ibang mga grupo laban sa hiling ng UWIN, hanggang June 18, 2024.

Sa kasalukuyan, ang mga manggagawa sa NCR ay tumatanggap ng Php 570 hanggang Php 610 bilang minimum na arawang sahod, depende sa kung anong industriya nabibilang at dami ng mga empleyado.

Hinikayat naman ng RTWPB ang iba pang mga grupo ng manggagawa na makibahagi sa mga isasagawang wage increase discussion at mga diyalogo upang matiyak na mapag-usapang mabuti ang kalagayan ng mga ito.

Mabigat ang kinakaharap na sitwasyon ng gobyerno sa usaping ito.

” Damn if you do’nt, damn if you do” ika nga!



Kailangang timbanging mabuti ang lahat ng mga bagay- bagay.

Marami na kasi sa maliliit nating negosyo sa ngayon ang sisinghap- singhap na sa hirap ng buhay.

Salungat sa gustong palabasin ng administrasyong PBBM,sadsad ang ekonomiya ng bansa.

Ang isa pang dagdag pasahod partikular na dito sa NCR ay masasabing pagkitil sa lifeline ng maliliit nating negosyo.

Sobrang liit na nga ng proposed increase,grabe pa ang epekto nito sa mga nagdedelubyong employers.

It is a choice of giving pay increase to our workers pero inilalagay naman natin sila sa posibilidad na tuluyang mawalan ng trabaho kapag nalugi at nagsara ang mga kumpanyang kanilang pinapasukan.

Sa paningin ng inyong abang lingkod, di solusyon ang wage hike para matulungan ang mamamayan na maibsan ang kahirapan ng pamumuhay.

Bakit di magtakda ng price ceiling ang gobyerno sa prime commodities o maglaan ng pondo o subsidiya sa layong ito.

One year price ceiling is enough to lessen the impact ng inflation.

Marami naman pera ang pamahalaan na pagkukunan kesa naman napupunta sa pork barrel ng mga mambabatas at sa korapsiyon.

Ano na nga ba ang isang taong diyeta sa mga bundat na nating mambubutas este mambabatas?

For once,magsakripisyo naman sana sila para sa bayan.

Mahirap bang gawin ito mahal naming Pangulong Bongbong Marcos?

Isang kumpas mo lang ang inaantay mahal naming Pangulo!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com