Advertisers
Iba ang ibinoto sa halalan sa pagnanais na mahalal ang napipisil na kandidato na magdadala sa bansa tungo sa kagalingan. Tangap ang pasya ng lumabas ang resulta ng halalan na gapi o talo ang ibig na kandidato sa panguluhan. May pagkagulat sa dagling paglabas ng resulta sa halalan, naglabas ng tindig at mga katanungan na hindi nasasagot hanggang sa kasalukuyan. Ang dagling paglabas ng resulta sa panguluhang kahit hindi pa nagaganap ang aktuwal na bilangan ng boto sa maraming presinto ng halalan sa bansa. Sa binatong mga katanungan sa halalan, hindi natali sa pagsangga ang nahalal na pangulo at humakbang pasulong upang dalhin ang bansang lugmok sa kahirapan ng mangmang ng katimugan. Sa pagganap ng nanalong pangulo, may pag-aagam agam na tanggapin subalit kailangang sumulong at tanggapin ang desisyon ng nakararami na si Jun Singhot ang bagong pangulo.
Sa pagganap sa tungkulin, tila tumutulay sa alambre ang liderato sa dami ng kritiko na hindi tanggap ang resulta ng halalan. At sa pag-upo sa silya ng kapangyarihan kinakitaan ng kababaang loob ang nanalong pangulo. Ang maganda may kabukasan at tangap ang kritisismo at bukas sa mungkahi sa kagalingan ng bansa. Pumili ng ‘di bantog na gabinete upang makasama sa pamamahala ng gobyerno. Walang oras na sinayang dahil kailangan ibangon ang lugmok na ekonomiya ng bansa na nilaspag ng Kawan ng Mangmang (KM) mula sa kaTimugan. Ang kagandahan, bukas ang bagong liderato sa pamahalaan sa mga bansang ibig tumulong higit sa pagpapalago ng kabuhayan. Sa kabukasan sa pakikipag-ugnay, ang mga lider mula sa kanluranin ay nagpamalas na ibig palakasin ang ugnayan sa bansa sa maraming aspeto. Ang pagbubukas ng bansa sa ibang lahi higit sa mga nasa kanluran, tila naduhagi ang kalapit bansa na paborito ng Kawan ng Mangmang, ang Tsina.
Ang pagliko sa kakaibiganin ang nagdala kay Jun Singhot na kinaiinisan ng iilang grupo na may pagkiling o nakinabang sa Tsina. Hindi nagdalawang isip ang mga grupo na ibig panatilihin ang pakikipagkaibigan ng bansa sa Tsina na patuloy ang panlilibak sa pangulo. Sa una, ibig ipalabas na walang alam ang pangulo dahil sa walang maipakitang patunay na nagtapos sa isang pamantasan. At nariyan ang patamang pahayag na gagamitin ang tangang posisyon sa paglilinis ng ngalan higit ng amang mapaniil. Sa kawalan ng basehan ng akusasyon, hindi tumalab ang rason na pababain ang pagkilala sa pagkapanalo sa halalan. Lumihis ng batikos higit ang kawan ng mangmang at itinulak ang kritisismo sa paggamit ng bawal na gamot. Ang masakit, may ginamit na tao bilang testigo na nahubaran na sa layon, ang magkaroon ng salapi. Tira mga KM at baka may matisod na kakabahan si Jun Singhot.
Sa pag-inog ng pamamahala, nagamayan ng liderato ng bansa ang pagtangan at nagsimulang gumalaw na paayon. Sa pagsulong ng programa para sa bayan, naging lakad pagong ang kabuhayan, nagmahal ang mga bilihin at bumaba ang halaga ng piso. Subalit ang mga dahilang bangit ay sanhi sa kawalan ng alam ng pinalitang liderato na nagpabaya sa kagalingan ng nakararami. At sa totoo lang, nagsimula ang liderato ni Jun Singhot na bangkarote at lubog sa utang ang bansa. Patunay na kailangang maging matiisin ng Pinoy higit sa hirap na pabangunin ang kabuhayan. Karagdagan, sino ang makakalimot sa anak ng hari ng KM, na ng paglustay ng P125M sa loob ng 11 araw. Ang masakit hindi nahalungkat ang P51B na napunta sa wala ng kapatid na tumanging ipakita ang tattoo sa likuran.
Subalit at patuloy na pinupukol ng batikos si Jun Singhot, ngunit nagkibit balikat lang ang mama at nagpatuloy sa paggampan sa pwestong tangan. Bitbit ang kagalingan ng bansa, inaakit ang mamumuhunan sa loob at labas ng bansa na maglagak ng negosyo. Walang pagdududa na kailangan ng bansa ang kaperahan, at ang paglalagak ng puhunan at negosyo sa bansa ang tamang galaw ng mapalakas ang ekonomiya ng bansa. Mabigat tanggapin ngunit kailangan ng kabukasan na ang pagpasok ng bagong kapital at pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhan ang kailangang gawin. Hindi madaling tanggapin, ngunit napapanahon ang pagbubukas ng ekonomiya sa ibang negosyante, dayuhan o lokal. Subalit Jun Singhot, pag-iingatan ang bansa higit kung batid na ang kausap na mga mamumuhuna’y mapagsamantala. Sa totoo pa rin, nariyan ang kaibigan ng kawan na may iba’t – ibang programa ng pag-unlad para sa bansa ngunit nauwi sa wala. At nariyan ang usapin na nagsimula sa teritoryo ng karagatan at hayan naglipana na sa kalupaan mula Luzon, Visayas at Mindanao. Ang kawan ng kamangmangan?
Sa pagdadala sa pakikipag-ugnayan panlabas tila bentahe ni Jun Singhot ang mga biyaheng nagawa sa pang-aakit ng mga dayuhang mamumuhunan. Nariyan na silip ang pagkakaroon ng kapakinabangan ng bansa higit sa pagbabantay ng ating teritoryo. Ang pagtaboy ng mga mapanghimasok na dayuhan na dahilan ng pagbagal ng daloy ng komersyo sa bansa higit ang panindang pandagat. Sa mga pagsasanay na naganap, nariyan at nagpakita ng kasakiman ang kalapit bansa na huhulihin kuno ang mga pamalakayang pumapasok sa teritoryo ng West Philippine Sea hindi China Sea. Pagpapakita na ibig angkinin ng Tsina ang bangit na karagatan ganung may husga ang UNCLOS na Atin Ito.
Sa papasok na ikatlong taon bilang pangulo ng bansa ni Jun Singhot, lumalabas ang kagalingan sa pamamahala higit sa pagdadala interes ng bansa. Masabing tama ang posisyon sa paglayo sa Tsekwa na lantaran na umaalipusta sa bansa. Ang maselan ng pagdadala sa ugnayan sa mga bansa’y maaring may kahinaan ngunit ‘di masabing mali. Ang pagtitimbang sa mga kausap na kapwa pinuno ng mga bansa hingil sa ugnayan pangkalakalan ang galaw na kailangang o dapat susugan ng kumilos ang kabuhayan ng bansa. Malinaw na mula ang bansa sa tagtuyo dahil sa mahinang liderato na sumimot sa kabuhayan ng bansa. Subalit, nasa tamang direksyon ang galaw ng pamahalaan sa panghihikayat sa dayuhang negosyante na maglagak ng puhunan sa bansa.
Sa totoo lang, hindi kampante sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa sa mga dayuhan, subalit ang tanaw na pagbabago ng kalakaran sa mundo higit sa teknolohiya, impormasyon at komunikasyon ang pinanghahawakan na ‘di magkakaroon ng pagmamalabis ang dayuhan sa bansa. Ang paghahanda sa pagbubukas ng ekonomiya ang inaasahan sa pamahalaan higit sa mga dayuhang may malaking pagnanais sa likas yaman ng bansa. At sa takbo ng pamamahala ni Jun Singhot at ang karanasan sa nakaraan, lumalabas ang kagalingan sa pakikipag-ugnayan sa mga lider ng mundo na aangkla sa kabuhayan ng bansa. May pag-aalala ngunit umaasa na maglalagay ang pamahalaan ng “safety nets” sa pagbubukas ng kabuhayan ng bansa higit sa negosyanteng kaibigan. Sa kagalingan na pinamamalas ni Jun Singhot, umaasa sa pag-aahon sa bansa sa kahirapan.
Maraming Salamat po!!!!