Advertisers

Advertisers

Rufa Mae babalik na sa Tate kaya ibinebenta ang condo sa halagang 45.5-M?!

0 21

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MARAMI na ang excited sa pagbabalik-pelikula ng actor-politician na si Bong Revilla. Pero napurnada nga ito, hindi niya na magagawa ang Alyas Pogi 4, matapos siyang operahan sa Achilles tendon sanhi ng nangyari sa kanya sa set ng “Birador” ilang linggo na ngayon ang nakararaan.

Ang una kasing plano, gagawan na lang ng paraan ang mga action scenes ni Sen. Bong pero mas gusto raw nitong siya mismo ang gagawa ng mga stunts.



Sabi ni Sen. Bong,“Medyo nai-shelve muna yung Alyas Pogi, yung kanyang pagbabalik sa pelikula. Kasi ayaw niyang half-hearted yung paggawa ng pelikula.

“Kailangan maka-recover muna siya. He wants to do yung mga stunts, yung mga action scenes na siya yung gumagawa. So, gusto niyang maka-recover muna,”  pahayag ng asawa ni Sen. Bong na si Congresswoman Lani Mercado sa isang panayam.

Improving naman daw ang kundisyon ni Sen. Bong. Pero ayon sa misis niyang si Lani, medyo matatagalan pa ang recovery process nito.

Samantala, sa kabila ng kanyang kundisyon ay nakapunta pa sa Malacañang last Monday ang aktor kung saan pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang “Kabalikat Sa Pagtuturo Act” na siya ang principal author.

“Nagpapasalamat po tayo sa mahal na Pangulo at nalagdaan na rin itong ating Kabalikat sa Pagtuturo Act na ang makikinabang ay ang ating mga guro. Ito yung tinatawag na Chalk Allowance nila na dati ay tumatanggap sila ng P5,000 a year pero ngayon P10,000.



“Napakalaking tulong para sa ating mga guro. Kaya again, Thank you Mr. President Marcos Jr. at siyempre sa mga kasama natin sa Senado at Kongreso,” mensahe ni Sen. Bong.

Sabi naman ni Congw. Lani, “Isa po ako sa principal authors sa Kongreso kasama si Congressman Bryan Revilla ng Agimat party-list at Cong. Jolo Revilla of 1st District of Cavite. Nandiyan din ang Teachers partylist na kasama rin natin. So it’s really a partnership. Sama-sama po ito para sa ating mga guro.”

***

ANG condo unit ni Rufa Mae Quinto sa Makati City ay ibinebenta niya na pala sa halagang P45.5 million.

Ipinost ng komedyana ang video ng kabuuan ng kanyang unit na aabot sa 146 square meters kaya pala ganito kamahal at nasa Makati area pa.

Ang daming nag-like sa post na ito ni Rufa Mae at iisa ang tanong kung HM o how much kahit na nakalagay na sa post ang lahat ng detalye.

May netizen na nagkomento, “$ 910,000. Not worth it. I would rather buy a house in California worth like. That’s the price of a 3000sq feet 4br 2.5 bath in the more expensive area in California. No offense po.”

Ipinagtanggol naman ng isa pang netizen ang aktres, sabi ni @lolamary8888, “@its_lmd well thats in Ayala and specifically in Greenbelt, do u know how much is the cost per sqm in that area.

“@its_lmd only those who are filthy rich can buy it, I’m sure you don’t have 45.5M in your bank account right now,” sabi pa niya.

Komento naman ni @ej_herrera, “@lanzderic usually ‘yung mga nagtatanong ng ganyan sa comment hindi naman talaga bibili or magrerenta.

As usual ang tanong, bakit ibinebenta na ni Rufa Mae ang property niya na nasa prime area pa, mag-downgrade na kaya siya ng bahay o babalik na siya ng Amerika for good?