Advertisers

Advertisers

Virgin Labfest patuloy ang pag-arangkada

0 12

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AARANGKADA na ang pinakaaabangang Virgin Labfest na nagtatampok sa mga pinakabagong dula mula sa mga bagong sibol na mga manunulat.

Sa gabay at patnubay ng Palanca award-winning playwright na si Glenn Mas, maghahatid sila ng mga kuwentong hinabi sa samu’t saring inspirasyon.



Bukod sa mga lektura, playwriting workshop at pakikipagtalakayan, ang mga mandudulang ito ay sumailalim din sa script critiquing at iba pang aspeto ng produksyon.

Simula noong itatag ang VLF noong 2012, ang fellowship program nito ay nakatulong nang hubugin ang humigit kumulang na 125 young writers, na ang 15 ay galing pa sa VLF WFP sa Kabisayaan noong 2022 at 2023. Labing-apat sa mga bagong sibol sa batch ay naging bahagi ng taunang pestibal ng untried, untested at unstaged one-act plays.

Ayon pa sa fellows, ang mga kasanayang natutunan nila sa fellowship ay malaki ang naitulong para pandayin ang kanilang sining at mas maisulong pa ang kanilang pagiging malikhain.

Bagama’t tapos na ang call for submission sa VLF 19 Writing Fellowship Workshop, ito ay simula pa lang ng paglalakbay ng mga bagong napiling fellows.

Ayon pa sa mga veteran fellows, dalangin nila na ang bagong batch ay makapag-prodyus ng marami pang makabuluhang obra.



Ang  Virgin Labfest Writing Fellowship Program ay idaraos mula Hunyo 18 hanggang 30, 2024, sa CCP Complex sa Pasay City.

Ang final showcase, na magtatampok sa  staged readings ng mga obra ng fellows ay ididirehe ni Dennis Marasigan at gaganapin sa  Hunyo 30, 2024, sa ganap na alas 5 ng hapon sa  Bulwagang Roberto Chabet, 3/F Tanghalang Ignacio Gimenez.