Advertisers

Advertisers

PhP 13.5M ILLEGAL DRUGS, NAHARANG SA BOC-PORT OF NAIA

0 222

Advertisers

MATAGUMPAY na naharang ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang isang parsela na naglalaman ng iligal na droga noong 07 Hunyo 2024, sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pasay City.

Sa report ng BOC Port of NAIA, ang claimant ay nakilalang si Maritoni Macainan, 30, nakatira sa Taguig City. Ang parsela na idineklara bilang de-latang pagkain at prutas ay nagmula sa Denmark.

Sa field testing na isinagawa ng PDEA, nadiskubreng ito ay naglalaman ng 5,033 piraso ng Ecstasy tablets at 998 gramo ng Ketamine. Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng PhP 13,546,100 milyon piso.



Ang mga kasong kriminal ay dapat isampa laban sa suspek para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act No. 9165) at Section 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act No. 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Binigyang diin ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, “Nananatiling determinado ang Kawanihan sa pagtataguyod ng batas at pangangalaga sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.”

Sa pamumuno ni District Collector Yasmin O. Mapa, muling pinagtitibay ng BOC-NAIA ang kanilang pangako sa pagpapahusay ng pagbabantay at dedikasyon sa pag-secure ng mga hangganan ng bansa laban sa pagpasok ng ilegal na droga at iba pang kontrabando. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)