Advertisers
PINAIGTING ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mahigpit na pagsubaybay sa lahat ng uri ng mga ibon na nagmumula sa Australia at lahat ng produktong agrikultura na sariwa o frozen meat na nagmumula sa China upang makaiwas sa bird flu at swine flu.
Inanunsyo kamakailan ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawal ng mga domestic at wild bird mula sa mga bansa sa timog na highly pathogenic avian influenza (HPAI) virus subtypes na H7N3 at H7N9 sa Australia gaya ng iniulat ng World Health Organization para sa Animal Health.
Sinabi ni BOC Port of NAIA assistant deputy collector for Passenger Services Mark Almase, mahigpit na binabantayan at kinukumpiska ng BOC at BAI ang lahat ng uri ng karne upang maiwasan ang pagpasok ng HPAI virus at maprotektahan ang kalusugan ng lokal na populasyon ng manok.
Sii Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ay naglabas ng Memorandum Order No. 21, na nag-uutos sa BAI na ihinto ang pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances para sa pag-import ng mga domestic bird mula sa Australia, kabilang ang poultry meat, day-old chicks at itlog.
Idinagdag ni Almase na ipinapatupad pa rin ng Bureau of Customs ang mahigpit na pagbabantay at pagkumpiska sa lahat ng produktong pang-agrikultura lalo na ang mga sariwang karne o frozen na nanggagaling sa China na dinadala sa bansa ng mga dumarating na pasaher.
Ang swine flu ay nagmul umano sa China kung saan ang sakit na ito ay mabilis na nakahahawa at posibleng maging isang pandemic virus. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)