Advertisers
ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na wanted sa kanilang bansa dahil sa illegal gambling.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang 37-year-old na si Wang Yilin ay nahuli sa NAIA-3 Terminal nang dumating sakay ng Thai Airways flight mula Bangkok.
Hindi na pinapasok pa ng bansa ang foreigner, agad inaresto ng Immigration officers nang lumabas sa system na may positive hit ito sa Interpol.
Dagdag pa ni Tansingco, agad pina-deport si Wang base narin sa request ng Chinese government.
Base sa imbestigasyon, si Wang ay kabilang sa isang sindikato na nagpapatakbo ng isang online gambling platform noong 2019, na isang paglabag sa anti-gambling laws ng China.
Bilang parusa sa pagkaka-aresto kay Wang ay nailagay na ito sa Immigration blacklist ng bansa kungsaan bawal na itong makapasok ng Pilipinas kahit kailan. (Jocelyn Domenden)