Advertisers

Advertisers

Tomboy ni-rape ng kalaklakan sa sagingan

0 37

Advertisers

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang tomboy nang halayin sa ilalim ng puno ng saging ng isa nitong kainuman na kaagad namang naaresto sa Taal, Batangas.

Mabilis namang nadakip at kasalukuyang nahaharap sa kasong ‘Rape’ ang inireklamo na si alyas “John”, nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Taal Municipal Police Station, 2:00 ng madaling-araw nang makipag-inuman ang biktima na itinago sa pangalang “Carla”, lesbian, sa bahay ni John, at nang malasing na ang biktima nagpaalam ito na uuwi na. Subali’t, dahil sa labis na kalasingan, nagawa itong akayin ni John para ihatid umano sa bahay nito.



Pero sa halip na iuwi ang biktima, dinala ito sa sagingan at pinagsamantalahan.

Nagtungo sa pulisya ang biktima upang ireklamo si John, na kaagad naaresto. (Koi Laura)