Advertisers
IBA talaga ang karisma ng liderato ni Cong. Bambol Tolentino, kasalukuyang Presidente ng Philippine Olympic Committee( POC).
Natatangi kasi ang kanyang malasakit sa ating mga atletang tunay na makapagbibigay ng karangalan sa bansa.Malasakit at pag-aruga ang napakahalagang kaloob niya sa ating mga pambansang bayani sa modernong panahon tampok dito ang espesyal na atensyon ni Mayor Bambol sa ating mga Olympians sa kanyang balwarte sa Tagaytay bilang training ground pagpapatayò ng sports venues at pabahay.
Kahanga -hanga rin ang kanyang pakikitungo sa mga NSA na nagpo-produce ng world caliber na atleta maging ang mga federation na mahinang klase ay lumalakas at nakapagalalabas ng atletang pang-international kaya walang deskriminasyon sa kanyang pamumuno sa POC.
Sa leadership ni Bambol, muling naghari ang Pilipinas noong 2019 Southeast Asian Games.Nakapag-produce ng world champions sa athletics ( pole vault) at gymnastics na ngayon ay kabilang na sa mga Pinoy Olympians na sasabak sa Paris.
Pinakatampok sa lahat ay ang pagkasungkit ng kauna-unahang gold medal sa Olympics kortesiya ni lady weighlifting heroine Hidilyn Diaz sa Tokyo.
Saludo ang korner na ito sa sipag at malasakit ni POC prexy Bambol dahil sa personal niyang sinasamahan ang ating mga atleta sa kanilang pinakamahahalaga nilang laban para sa bayan.
Noon ay mabibilang lang sa daliri ang ating Olympians na laging umuuwi ng luhaan dahil bokya sa ginto.Ngayon ay 15 na sila kaya di lang isa o dalawa ang iuuwing gintong medalya pagkatapos ng giyera sa Paris Olympics 2024.
Ang ‘magic 15 ‘ ni Bambol ay sina EJ Obiena (athletics – pole vault), Caloy Yulo (gymnastics-floor exercise), Aleah Finnegan (gymnastics-all around),Eumir Marcial( boxing), Nesthy Petecio (boxing) ,Aira Villegas (boxing),John Ceniza( weihtlifting), Eireen Ando (weightlifting), Vanessa Sarno (weightlifting), Levi Jung Ruvivar (gymnastics), Joanie Delgado (rowing), Samantha Catantan (fencing), Emma Malabuyo (gymnastics), Carlo Paalam (boxing) at Hergie Bacyadan (boxing).
Sa 15 nabanggit tiyak na di lang isa ang uuwing sukbit ang ginto alay sa Pilipinas.
Iyan ang Bambol magic… ABANGAN!!!