Advertisers

Advertisers

Aiko sinabunutan ni Mylene; Joshua inisnab ang kasalang Carlo-Charlie

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong kasi ng mgsa netizen, bakit wala si Joshua sa kasal ng dalawa na ginanap noong Linggo, June 9 sa isang resort sa Cavite.

Matatandaang nagkapareha sina Joshua at Charlie sa Kapamilya teleseryeng ‘Viral Scandal’ noong 2021.



Si Carlo naman ay makakasama ni Joshua sa upcoming Philippine adaptation ng South Korean drama series na It’s Okay to Not Be Okay, kung saan gaganap silang magkapatid.

Akala tuloy ng iba ay hindi okay si Joshua sa mag-asawa, pero ang totoong dahilan ay may shooting ito that time sa Quezon City.

Nagsimula na ang shooting ng comeback movie nina Joshua at Julia Barretto na ‘Un/Happy For You na dahilan nga kung bakit hindi nakadalo ang aktor sa nasabing kasalan.

Sunod-sunod na ang shooting nila ng ‘Un/Happy For You’ dahil sa August 14 na ito ipalalabas sa mga sinehan.

Sa katunayan ay hindi rin makadadalo si Joshua sa premiere night ng kanyang movie na Fruitcake dahil may shooting sila ni Julia ng nasabing pelikula sa Bicol.



Busy lang talaga si Joshua sa shooting ng pelikula nila ng dating ka-loveteam at girlfriend kaya nga hindi ito nakadalo sa kasal nina Carlo at Charlie. Huwag na sana siyang intrigahin na inisnab  ang kasal ng newlyweds.

***

ANG huling serye na ginawa nI Aiko Melendez sa Kapamilya network ay ‘yung Wild Flower  noong 2017, na pinagbidahan ni Maja Salvador.

At after 7 years, balik-ABS-CBN ang award-winning actress. Kasama siya sa seryeng Pamilya Sagrado na pinagbibidahan nina Piolo Pacual, Grae Fernandez at Kyle Echarri.

Nagpasalamat si Aiko sa mga bossing ng ABS-CBN dahil sa patuloy na pagkuha sa kanya sa malalaking proyekto tulad nga nitong Pamilya Sagrado.

“Mayroon ba tayong mga baliw-baliwan dito? Meron! Sinabunutan niya ako rito,” sabi ni Aiko sabay turo sa co-star nilang si Mylene Dizon, na gumaganap bilang misis ni Piolo sa nasabing serye.