Advertisers
Ni BETH GELENA
BINIRO ni Angelica Panganiban si Kean Cipriano sa kaarawan nito.
Isang larawan ni Kean ang pinost ni Angge na kuha sa kanilang kasal ni Gregg Homan sa Siargao
Hindi man lang nakangiti ang singer sa kuha niyang larawan with Angge at Gregg sa kasal ng nga ito na ginanap sa Siargao.
Kaya ang caption niya ay, “Morbs, talagang napakalungkot mo nung kasal namin nung tito sa Siargao. Wala akong makuhang picture na masaya ka. Kaya ang wish ko, sana talaga masaya ka sa kaarawan mo today. Lab u morbs! @kean,” ani Angge.
***
HEART PINURI UNANG PROYEKTO BILANG PRESIDENTE NG SENATE SPOUSES
PINASALAMATAN ni Heart Evangelista ang mga Senate spouses na sumama sa kanya sa first field work niya na unang ginanap sa Caloocan city.
Sa kanyang Instagram account ay nagpost siya ng una nilang destinasyon para sa kanilang SSFI project.
Aniya: “SSFI visited the Tahanang Mapagpala Social Development Center in Caloocan City today.
“We checked on the center’s residents and delivered personal comfort kits and other daily essentials that are usually overlooked.
“Built in 1997 by the SSFI to provide shelter for neglected, abandoned, and abused children, the center is now also home to abandoned elderlies.
“We thank the local government of Caloocan for maintaining the upkeep of the center and for opening it up to accommodate those who come knocking.
“SSFI will be here as a partner and will continue to deliver the fundamental purpose of service that was started by our predecessors.”
Pinasalamatan din niya ang mga misis ng mga senador at volunteers na sumama sa kanilang unang proyekto.
Pinuri si Heart sa komento ng isang netizen.
“Good that you documented this Ms Heart so everyone would know that the foundation really helps and serves the community cos for detractors, damned if you do, damned if you don’t. Just give up the good work Ms Heart.”
“You really have the HEART to help a genuine LOVE to show and be felt by this people who are in need, proud of you, we are here behind your back”
“Proud of you heart! While I love your fashion week posts, these ones touch our hearts the most. Keep it up”
“Great projects ahead. Congratulations!”
***
ANG daming nambash kay Jolina Magdangal after niyang mag-comment ng “mapagmahal sa family” sa kasal ni Carlo Aquino kay Charlie Dizon kamakailan.
Ang daming bashing na natanggap ng singer/actress hinggil sa pagkaka-describe niya kay Carlo at pag-walling out nito kay Trina Candaza kung saan may isa silang anak na babae, si Mithi.
Post ni Jolina sa kanyang IG stories.
“Sabi ni April sa vows niya totoo daw pala ang manifesting. . . Gusto ko lang i-share na isa ako sa nagmanifest para sa forever nyo. At yung mga sinabi ni Kaloi sa vows naman nya kung paano niya iingatan, aalagaan at mamahalin si April, alam ko na puso niya ang nagsasalita.
“Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag-iisang dibdib.
“Sarap makawitness sa mga kaibigan na pa-forever tapos kasama ko ang aking forever (love you mahal)
Komento ng netizen: ” Mapagmahal sa pamilya?? Ang unang pamilya inabandonada”
“nabasa ko sa news parang hindi naman si Charlie ung dahilan ng hiwalayan nina carlo at trina.”
May nagkomento naman na “puro kau kawawa si trina. Hindi niya ako hater at mas lalo hindi ako fans ng dalawa, pero sana isipin nyo mas kawawa si trina, carlo at anak nila kung patuloy sila magsasama dahil lang sa bata pero hindi na sila masaya. Lalaki ang bata na puro na lang away ang magulang niya. Isa pa wag nyo isisi kay carlo ang lahat dahil lahat naman tayo may ugaling pangit na tinatago ciguro.”
Sagot ni Jolens, “salamat sa malawak na pang unawa.”