Advertisers

Advertisers

Kim imbiyerna sa patuloy na pagdaldal ni Xian sa dating relasyon; Gladys ayaw umasa sa panalo sa 3 nominasyon sa Star Awards for Movies

0 10

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

TATLONG nominasyon ang nakuha ng premyadong aktres na si Gladys Reyes sa PMPC 40th Star Awards for Movies.

Nominado si Gladys bilang best aktres, best supporting actress at PMPC Darling of the Press.



Matatandaang tinanghal na Best Actress si Gladys sa nakaraang Metro Manila Summer Film Festival mula sa pelikulang “Apag” at sa naturang pelikula pa rin ito nominated sa 2024 Star Awards for Movies.

Makakalaban ni Gladys ang mga kapwa premyadong aktres na sina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Ai Ai Delas Alas, Marian Rivera, Assunta De Rossi, Gina Alajar at Kathryn Bernardo.

Sa Best Supporting actress naman ay nominated pa rin si Gladys dahil sa ipinamalas niyang akting sa pelikulang “Here Comes the Groom”. Makakatunggali niya ang dalawang nominado pa rin sa best actress na sina Gina Alajar at Alessandra de Rossi kasama sina Cherrie Pie Picache, Gloria Diaz, Dolly De Leon at ang gagawaran ng Ulirang Artista sa taong ito na si Liza Lorena.

Hindi pa rin pakakabog si Gladys sa  co-nominees niya para sa PMPC Darling of the Press.

Makakalaban naman ni Gladys sa nasabing kategorya sina Sen. Bong Revilla, Piolo Pascual, Gretchen Barretto, Alden Richards, Liza Diño-Seguerra, Rei Tan at Sen. Robin Padilla.



Nang hingan namin ng reaksiyon sa pamamagitan ng messenger ang asawa ni Christopher Roxas ay napa- wow na lang ang aktres.

Siyempre, hindi raw siya umaasa na masusungkit niya kahit isa man lang sa tatlong nominasyon.

Katwiran ni Gladys, magagaling ang mga makakalaban niya, huh!

Anyway, kagagaling lang ni Gladys sa series of engagement abroad at ang tatlong nominasyon from Star Awards ang sumalubong sa kanya, huh!

Incidentally, tatlong nominasyon din ang nakuha ni Piolo sa 40th Star Awards for Movies.

Nominated si Piolo sa best actor (Mallari), best supporting aktor (Gomburza) at PMPC Darling of the Press.

***

IMBIYERNA ang Kapamilya aktres na si Kim Chiu sa patuloy na pagsasalita ng dating kasintahang si Xian Lim tungkol sa kapwa nila tinuldukan na dating relasyon.

Kung si Kim ay tahimik at nananatiling tikom ang bibig hinggil sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Xian, kabaligtaran naman yun sa aktor at ngayon nga ay nagdidirek nang ex-boyfriend, huh!

Wala nga namang tigil si Xian sa pagpapa-interview about their past relationship na in every interview sa kanya ay may komento siya hinggil dito, huh!

Sa totoo lang,

talagang nakikiusap si Kim sa mga nag-iinterbyu sa kanya na huwag nang pag-usapan ang breakup nila ni Xian bilang respeto na lang sa 12 years nilang relationship di ba?

Kaya inaasahan ng aktres na ganun din sana ang magiging komento ni Xian sa mga tanong sa kanya hinggil doon, huh!

“Entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past,” banggit pa ni Kim sa panayam ng ABS-CBN.

Nangako rin daw siya sa sarili na hindi na babalikan ang past nila ni Xian kung matatanong siya ng press hinggil dito.

“Parang ‘yung post ko nu’ng December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin.

“Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire,” banggit pa ni Kim.

Siyempre, dahil sa paulit ulit na paghahalungkat at hindi rin napigilan ng loyal Kapamilya aktres ang maging emosyonal.

“Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other.”