“Gawad Pagkilala sa mga Kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila 2024”
Advertisers
“MAGSILBI nawa kayong inspirasyon sa mga bago at mga nakababata nating mga kasama sa ating Pamahalaang Lungsod.”
Ito ang panawagang ginawa ni Mayor Honey Lacuna matapos na pangunahan ang awarding ng mga empleyado na nagpakita ng kanilang katapatan sa panahon ng kanilang paglilingkod sa pamahalaang lungsod ng Maynila.
Pinasalamatan ng alkalde ang mga empleyado sa kanilang mga taon ng at dedikasyon ng paglilingkod sa lungsod ng Maynila pati na sa mga residente. Sinabi din ng alkalde na ang kontribusyon ng mga kawani ng City Hall Ang magdala sa lungsod kung nasaan man ito ngayon.
Sa “Gawad Pagkilala sa mga Kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila,”si Lacuna ay sinamahan ni Vice Mayor Yul Servo sa pagkilala sa mga 25 years, 30 years, 35 years, 40 years at mahigit 40 years in service awardees.
Ang mga awardees ay mga kawani mula sa iba’t-ibang departamento, ahensya at tanggapan.
“Sabi nga, marami ang naghahangad na mapabilang sa mga tinatawag na civil servants, ngunit iilan lamang ang nabibigyan ng pagkakataon. Ilang beses na nating napag-alaman na napakatibay maging isang empleyado ng gobyerno dahil sa tinatawag na “security of tenure”,” pahayag ni Lacuna.
Sinabi ng alkalde na noong panahon ng pandemya, tanging ang mga civil servants lamang ang patuloy na mayroong trabaho at kumikita habang marami sa pribadong sektor ang nawalan ng kabuhayan at hanapbuhay.
“Ito sana ang mapahalagahan nating lahat at mapagsikapan pa nating pagbutihin ang ating mga gawain sa pamahalaan,” ayon sa alkalde.
Idinagdag pa ni na: “Tulad nga ng palagi kong ipinapaalala, walang ibang pinaka-higit na sinasandalan ang taumbayan sa mga panahon ng kagipitan, kapighatian at kahirapan kundi ang kanilang pamahalaan. Kaya’t marapat lamang na tayo ay palaging handang maging maayos at mabuti sa paglilingkod sa publiko.”
“Hindi lang ito, pahabaan ng panahon sa serbisyo. Mas maganda sana, mapagnilayan natin kung gaano tayo nag-alay ng ating mga sariling sipag at pagpupunyagi, nagbahagi ng ating kasanayan, talino at galing. At higit sa lahat, kung gaano tayo nagpadama ng malasakit sa ating kapwa,” pagbibigay diin ng lady mayor.
Ang trabaho sa pamahalaan ay hindi pahabaan ng serbisyo bilang civil servants,ito ay upang bigyang daan ang mas magandang daigdig at umasa samas maliwanag na kinabukasan ‘di lamang para sa lungsod kundi para sa buong bansa.
“Sa lahat ng ating mga awardees… congratulations! Hindi biro ang napakaraming taon na pinagsikapan ninyong paglingkuran ang ating mga kapwa Manilenyo,” ayon pa kay Lacuna.
Sa mga retirees ngayong taon at sa mga susunod na taon, narito ang masasabi ng alkalde: “hangad natin ang inyong masayang retirement. Sabi nga nila, goodbye tension, hello pension.” (ANDI GARCIA)