Advertisers

Advertisers

PERLAS NG SILANGAN BASKETBALL LEAGUE U-21

0 47

Advertisers

HETO na ang tunay na liga na makapagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan dito sa bayang basketbolista.

Ang magandang balita ay kumalat na sa buong kapuluan kung kaya handa nang maglaro sa PERLAS ang mga young potential cagers na may pangarap na makarating sa bigtime basketball sa bansa.

Ang Perlas ng Silangan Basketball League( PSBL) na inilunsad kamakalawa kasabay ng pagdiriwang ng Philippine Independence Day ay iwinagayway na with flying colors.



Ang bonggang media launch ay idinaos sa Manila Grand Opera Hotel sa Maynila na inihahandog para sa lahat ng kabataan may edad 21 pababa dito sa basketball loving nation ayon kay PSBL founder/ CEO Christian Ensomo.

Hindi lang aniya sa National Capital Region( NCR) naka-pokus ang liga kundi sa lahat ng rehiyon sa buong kapuluan at ang talent search ay target ang mga barangay, paaralan, distrito at ipino-promote din dito ang sports tourism, kultura at ang livelihood sa pamamagitan ng palakasan.

“Narito na ang PSBL.Ang ligang ating binuo para sa adbokasiyang magdudulot ng oportunidad sa mga kabataang basketbolista na madidiskubre upang matupad ang kanilang pangarap ,” wika ni Ensomo sa panayam. “Ang PSBL mismo ang lalapit sa mga kabataang potensyal at hindi iyong ang mga bata ang silang naghahanap ng kapalaran.”

Si dating PBA star at ex- national player Rodney Santos ang siyang hinirang na PSBL Commissioner.

Aarangkada ang angasan sa Perlas ng Silangan Basketball League sa Hulyo 24, 2024 sa Araneta Coliseum at bago sumapit ang araw ng en grandeng pambungad seremonya ay ilalahad na ang kumpletong talaan ng mga koponang kalahok sa lalong madaling panahon.



Dahil sa sistematikong mga hakbang sa preparasyon sa pag-arangkada at pagpakitang gilas ng PERLAS NG SILANGAN BASKETBALL LEAGUE ay optimistiko ang lahat sa magiging tagumpay ng PSBL lalo pa’t handang tumulong ang mga konsernadong LGU’s , academic sectors, corporate sponsors, basketball enthusiasts sa bansa ay tiyak na mamamayagpag at tatagal ng mahabang panahon ang liga ayon sa ekspektastyon ng basketball loving young cagers dito sa bayan ni JUAN….

ABANGAN!!!

Lowcut: Special shoutout sa ating colleague na si Ka Teddy Brul, Jr. Dumating sa launching ang mga malalaking personalidad sa larangan ng pulitika at komersiyo,ang koponang Philippine legend na West Phippine Sea opkors kumpleto ang tri-media at socmed .

Oldabest PSBL!