Advertisers

Advertisers

WALANG PRENO

0 67

Advertisers

HINDI nangimi si Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa isyu ng West Philippine Sea, na magbitiw ng masakit na salita at kuwesiyunin ang katapatan ni Gongdi at mga kapanalig sa isyu ng pagdakip kay Apollo Quiboloy. Dahil alam ng ninuman kasama ang mga AFP at PCG na taksil sa bayan si Gongdi at kampi ito sa Tsina, diretsong sinabi ni Tarriela sa isang pahayag:

“They never had any comments when the Armed Forces of the Philippines and the Philippine Coast Guard were subjected to inhumane and barbaric harassment while carrying out a medical evacuation in Ayungin Shoal. However, when the mansion of the fugitive Pastor Quiboloy was surrounded by the Philippine National Police, they had lengthy statements and even criticized the police’s efforts to arrest him. I find such reaction paradoxical, and it makes one question where their loyalty and interests really lie.”

May itinatagong talim ang salita ni Tarriela kahit hindi niya hayagang sinabi na taksil sa bayan si Gongdi at anak na si Sara sa kanilang pagsuporta kay Quiboloy. Pero dapat mag-isip-isip si Gongdi at kaalyado sa hindi tuwirang pagbatikos sa kanilang paninindigan sa usapin ang pangangamkam ng Tsina sa ating teritoryo.



Hindi namin alam kung marunong masaktan ang kanilang damdamin. Mabigat ang salita ni Tarriela. May kredibilidad siya dahil tuwiran kinuwestiyon kung kanino at saan ang katapatan ni Gongdi at mga kasapakat. Wala siyang respeto sa mga elementong kriminal ng Davao City. Wala na preno ang bansa na ihayag ang damdamin kontra kay Gongdi. Iyan ang malinaw.
***
TEKA nga pala, pakibasa ang balita: Kinuwestyon ni Vice President Sara Duterte ang umano’y paggamit ng sobrang pwersa ng mga pulis para hulihin si Kingdom of Jesus Christ leader o KOJC group leader Apollo Quiboloy at limang kapwa akusado nito. Hindi sinuntok ng mga humuhuling pulis si Quiboloy na kara-karang nagtago sa takot na dakpin siya ng mga pulis.

Masyadong masalita si Sara. Pakiwari niya aping-api si Quiboloy kahit na sa totoo, hinuhuli si Quiboloy dahil sa bintang ng panggagahasa sa mga babaeng menor de edad. Karuwagan ang dahilan ng pagtatago ni Quiboloy. Mas maigi na gayahin niya ang ama niya na si Gongdi (hindi namin tinawag na pangulo ang tila bangag na lider kahit minsan) na sumuko ng payapa sa mga awtoridad. Hindi lang namin alam kung susunod si Quiboloy sa panawagan.
***
HINDI na kami mabobola ni Leni Robredo. Huwag na siyang magpilit humingi ng suporta dahil hindi kami susuporta at sasama sa kanya kahit anong paghimok ang gawin niya. Hindi namin nalilimutan na siya ang dahilan ng pagkalusaw ng Liberal Party bilang oposisyon. Bilang party chair, hindi sya naglunsad ng programa at mga initiatives para pigilan ang mass exodus ng mga kasapi ng LP papunta sa ibang lapian. Hindi siya naglunsad ng mass recruitment para dumami sila. Noong 2022, tuluyang iniwan niya ang LP.

Hindi siya nagplano at nangampanya ng puspusan para sa Ocho Derecho noong 2019. Ang Tindig Pilipinas ang nagmakaawa para simulan ang preparasyon mga ilang buwan bago ang filing ng certificate of candidacy. Hindi siya lumikom ng pondo para sa Ocho Derecho. Ito ang malaking dahilan kaya nabokya ang tiket.

Hindi siya naghanda para sa halalan ng 2022. Ilang beses siya kinukulit ng mga lider oposisyon ngunit nanatili siyang malamig. Maghintay kayo sa desisyon ko na inabot ng mahigit isang taon. Matagal pa ang haalan, ito ang palaging dahilan. Nang natalo, kagyat na nawala siya at pumunta sa New York City. Kasama ang mga anak, doon sila nag-selfie.

Binitawan nya ang Kilusang Pink pagkatapos ng halalan. Hindi siya nagtawag kahit isang miting para sa direksyon at guidance ng iba’t ibang grupo at organisasyon para manatili ang lakas ng Kilusang Pink. Hindi siya nagpasalamat sa maraming indibidwal at grupo na sumuporta sa kanyang kandidatura. Hanggang ngayon, tahimik siya sa mga mabibigat na isyu ng bayan bagkus nag-enjoy lang siya sa byahe sa iba’t ibang bansa.



Sa pagkaalam ko hindi pa rin sya nagpapatawag ng kahit isang miting para sa preparasyon sa halalan sa 2025. Kahit tulungan sina Kiko, Bam, at Chel sa pagtakbo nila sa Senado. Kaya huwag na huwag kayong lalapit at humingi ng suporta. Hindi ko susuportahan kahit anong hingin ni Leni Robredo. Siya na lang ang kumilos.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Patuloy ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea. Walang patid ang pangha-harrass laban sa ating mga mangingisda, Coast Guard at Navy. Tinataya nila ang kanilang kaligtasan at buhay sa tuwing naglalayag, kahit na panatag dapat silang naglalakbay sa karagatan natin.” – Sen. Risa Hontiveros

“Isa pa ito. Kapag ang Tsina binangga at gumamit ng water cannon laban sa mga Pinoy, tahimik. Pero kapag ang tropa nilang si Quiboloy inaresto, aba statement agad. Very obvious where her loyalties lie.” – Barry Gutierrez, dating mambabatas, sa pahayag ni Misfit Sara na kumokondena sa galaw ng PNP na arestuhin si Quiboloy

“Teves still unextradited. Quiboloy still unarrested. Bantag still untracked. Bakit napakahirap magpanagot ng malalaking pugante?!” – Leila de Lima, dating senadora

***

Email:bootsfra@gmail.com