Advertisers
Bilang pagpugay sa kabayanihan ni Dr Jose Rizal kung saan ay ginunita o isinelebra ang kanyang ika-163th birth anniversary kahapon, Hunyo 19, pinangalagahan naman ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang araw o ang okasyon.
Binigyan importansya ni Tolentino ang ipinamalas ni Rizal na kabayanihan para sa kalayaan ng bansa. Hindi inaksaya ni Tolentino ang araw na ito makaraang pangunahan ang pamimigay ng ayuda (financial assistance) sa Barangay Payatas, Quezon City.
Mahigit sa 600 residente ng Payatas ang pinagkalooban ng ayuda ng Senador sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang bawat beneficiary ay nakatanggap ng P2,000 habang ilan sa kanila na PWD ay nakatanggap pa ng bagong wheelchair mula sa Senador.
Nauna rito ay namigay na rin ng ayuda at wheelchair ang Senador sa mahigit 2,000 residente ng Barangay Fortune at Marikina Heights sa Marikina City at Barangay Commonwealth, Quezon City.
Ang AICS ay isa sa programa ng DSWD kung saan sa pamamagitan ni Tolentino, kanyang inilapit ang Barangay Payatas na maging isa sa beneficaries.
Napag-alaman na ang mga benepisaryo ng AICS ay hindi kabilang sa 4Ps.
Sa kanyang mensahe, pinaaalahanan din ni Tolentino ang mga taga-Payatas na bigyang halaga ang kaarawan ng atin national hero si Dr. Jose P. Rizal, na ipinanganak sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861.
“Dr. Jose Rizal loved his country so much that he gave his own life, so that we may have the freedom, rights, and privileges that we enjoy today,” pahayag ng Senator.
“I urge everyone to embrace the same ideals that Rizal fought for, including justice, freedom, and love of country, especially at this time when a looming threat is endangering our sovereignty,” dagdag pa ng mambabatas.
Kasabay nito, nanawagan din si Tolentino, principal author at sponsor ng Senate Bill No. 2492, o ang Philippine Maritime Zones Act, at chair ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, sa mga kababayan natin na isama sa kanilang panalangin ang seguridad ng atin mga kababayang mangingisda sa West Philippine Sea, maging ang mga nagpapatrulyang tauhan ng Philippine Navy sa WPS.