Advertisers

Advertisers

2 Tulak huli sa Malabon at Valenzuela

0 96

Advertisers

Kulong ang dalawang tulak ng ilegal na droga nang matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela .

Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa ilegal drug activities ni alyas ‘Tokwa’, 37, kaya ikinasa ng SDEU ang buy bust operation kontra sa suspek.

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, 9:30 ng Martes ng gabi sa Ilang-Ilang Street corner Ilang- Ilang III St., Brgy. Baritan.



Nakumpiska sa suspek ang nasa 5 grams ng shabu na may Standard Drug Price value na P34,000.00 at buy bust money.

Sa Valenzuela, nadakip naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban sa buy bust operation sa Ka Melanio St. corner Rincon Road, Brgy. Rincon 2:45 ng Miyerkules ng madaling araw si alyas ‘Robert’, 53.

Nakuha ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave sa suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P47,600.00, buy bust money at itim na coin purse.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 1965 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">