Advertisers

Advertisers

Ate Vi bumawi sa pagkawala sa kasal ng mga inaanak na sina Carlo at Charlie

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa mga ninang sa kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon pero hindi ito nakarating.

Bumawi naman si ate Vi sa mga bagong kasal. Nag-treat siya ng dinner kina Carlo at Charlie.



Pinost ni ate Vi sa kanyang Instagram account ang picture at video ng dinner nila nina Carlo at Charlie.

“Dinner with my inaanak, love you both Carlo and Charlie,” caption ni ate Vi.

Sa video, makikita rin na binigyan ni ate Vi ng  bouquet of flowers si Charlie, bilang pagbati niya sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa katatapos lang na 47th Gawad Urian Awards para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Third World Romance.

***

KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, Mama Loi at Mrena sa investigating prosecutor na si Edward Seijo upang mag-file ng counter affidavit, bilang sagot sa cyberlibel na isinampa ni Bea Alonzo laban sa kanila.



Isa sa mga nakasaad sa isinumiteng sworn affidavits nina Ogie ay ang umiiral ma batas hinggil sa “fair comment doctrine” na pinoprotektahan ng Supreme Court.

“Prescribed na ‘yung posting na nilagay nila sa complaint affidavit nila. November 2022 pa, one year lang kasi ang prescriptive period ng cyberlibel,”  pahayag ni Atty. Tongol sa panayam ng ABS-CBN.

“Meaning, it was filed way beyond the one-year prescriptive period for Cyberlibel. As to this count, we are very confident that the charge against our clients would be dismissed,” dagdag niya.

Pagpapatuloy pa ng abogado, “Ang pangalawa naming sinabi doon na wala namang sinabi ‘yung client namin na si Ogie Diaz at ‘yung co-hosts.

“O, kung may sinabi man ‘yung mga co-hosts niya, ito ay nakapaloob pa rin sa fair comment doctrine na pinoprotektahan ng ating Korte Suprema about matters of public interest katulad na lang ng buhay at trabahong ginagawa ng complainant,” mariing sabi ni Tongol.

Bukod dito, nag-file rin sila ng “affirmative defense on improper venue.” “We filed an affirmative defense of improper venue. Alam naman natin na since 2022, sinabi na ni Bea na she’s a legal resident ng Spain.

“Kaya naman kung sasabihin niya na siya’y legal resident na ng Spain, then hindi na siya sa Quezon City actually nagre-reside,” esplika ni Tongol.

At dahil nga rito, nag-file ng counter-charge si Mama Loi laban kay Bea ng kasong perjury.

“Dahil sinabi niya yun, nag-file din si Loi Villarama ng counter charge na perjury, kasi obvious na nagsisinungaling siya sa kanyang complaint affidavit na sinabi niya na dito siya naka-reside sa Quezon City,” pahayag ng abogado.