Advertisers
BAGAMA’T kabi-kabila ang kaso at mga insidente ng karahasan sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija, wala manlang aksiyon ang hepe ng pulis dito na si Major Ariel Paulino.
Ayon sa ating source sa Nueva Ecija Police Provincial Office, tila bagyo raw itong si Paulino kay Brigadier General Hidalgo dahil nakakakota raw sa … You know!!!
Sumikat si Paulino matapos itong masangkot sa insidente ng tanim-granada sa Cabiao kungsaan ito at mga tauhan niya ay nasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo.
Bukod dito, may insidente ng pamamaslang sa isang dating kagawad sa Cabiao na hanggang ngayon ay walang hustisya. Tsk tsk tsk…
At nito lang nakaraan, isang kapitan na kalaban sa pulitika ng “boss” ni Paulino na si Mayor Ramil Rivera ang hinagisan ng dalawang granada.
Ano daw? Teka… hindi kaya namunga na ang tinanim na granada nila? At ‘yun ang hinagis sa kawawang kapitan???
Bukod dito, itong si Maj. Paulino, na “mayabang” daw umasta dahil sa proteksyon ni Hidalgo, ay nagdeploy pa ng mga pulis Cabiao bilang security guard nitong si Mayor Rivera at anak nitong konsehal na si Rav Kevin. Nasa pitong pulis daw ang in-assign nitong si Major para i-secure ng mga pulis ang mag-ama nitong amo, sabi ng source.
Attention: PNP Chief, General Rommel Marbil, Sir! Kung seryoso kayo sa paglilinis ng hanay ng pulisya, simulan n’yo po diyan sa Cabiao. Puro kahihiyan ang ginagawa ng mga pulis diyan.
Paimbestigahan n’yo po ora-mismo nang makita ninyo mismo ang katotohanan sa sumbong ng mga kapuwa nila pulis diyan.
Galaw galaw, mga sir!
***
Hahaha… nagkakandautal na ang spokesman ni dating Pangulo Rody Duterte na si Atty. Harry Roque sa pagsagot at pagpaliwanag sa nabuking na pagtustos niya sa poging dating pageant contestant na si AR dela Serna.
Ang “top secret” na ito ni Roque ay nabunyag sa mga dokumentong nakuha sa ni-raid na POGO “scam farm” sa Porac, Pampanga.
Teka, bakit sa scam farm na ito nahalukay ang mga dokumentong nag-uugnay kina Roque at Dela Serna? Hmmm…
Ang palusot ni Roque, “travel companion” niya si Dela Serna, IT raw niya ito na nag-aayos ng kanyang social media concern simula pa nung nasa Malakanyang siya, 2021.
Paliwanag pa ni Roque, kailangan niya kasi ng kasama sa kanyang mga biyahe (sa Europe) dahil may sakit siya, diabetic daw siya. Ganun? Dapat duktor ang kasama niya, hindi ang macho na katulad ni Dela Serna, ‘di ba? Hehehe…
Anyway, personal life na ito ni Roque. Ang concern lang naman natin dito ay baka taxpayers money ang pinanggastos niya kay Mr. Pogi…
***
Palala nang palala ang ginagawang pananakit ng mga China military sa ating mga sundalo at maging sa ating Coast Guards at mga mangingisda.
Ang pinakahuli ay nitong Lunes, hinarang ng China Navy ang ating mga sundalo na nagsasagawa ng supply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Inakyat ng mga China Navy ang rubber boat ng ating Navy at nagkaroon ng confrontation, walong sundalong Pinoy ang nasaktan, ang isa naputulan ng hinlalaki, at kinumpiska pa ang kanilang mga armas at binutas ang rubber boats.
Naghahamon na ng giyera ang China…