Advertisers

Advertisers

Debbie mas labs ang pagiging singer kaysa DJ

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAGSIMULA bilang dic jockey hanggang nakilala sa Sessions Live Music Stream, ngayon ay nais subukan ni Debbie Lopez ang pagiging mang-aawit.

Kuwento muna niya tungkol sa Sessions Live Music, “It’s a worldwide app. Doon ako nakilala as a singer, tapos nag-ano ako sa App Live, Starmaker, all the apps I joined doon ako nakilala.”



Taong 2019 nagsimula si Debbie sa mga music apps online.

Bakit sa mga music app online siya nagsimulang maging singer?

Lahad ni Debbie, “One of the scouts in Sessions Live, said to me, ‘Would you like to audition a song?’

“Tapos natanggap ako. Kasama ko doon si Jeffrey Hidalgo, MYMP is there, other artists worldwide, Boyce Avenue, mga K-pop, andun sila.”

Kilala raw siya doon sa screen name na DjDebbz.



“Kasi nag-aano ako ng home service for the disc jockey, yung sa controller talaga.”

Mas nag-e-enjoy raw si Debbie bilang singer kaysa sa pagdi-DJ.

Ano ang music genre niya?

“Mostly ako I do love Taylor Swift, all the millennial songs, RnB ang genre ko, I love Ice Seguerra.”

Kapag nagkaroon na raw siya ng malaking konsiyerto ay si Ice ang nais niyang maging special guest.

Mula noong Aiza pa lamang si Ice ay paborito na ito ni Debbie although hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na makilala sa personal si Ice.

Paborito rin daw ni Debbie si Belle Mariano at ang kanta nitong Rise.

Sa ngayon ay sa mga events nagtatanghal si Debbie bilang singer.

Celebrity crush naman ni Debbie si JM de Guzman na bukod sa mahusay na aktor ay magaling din na singer.

Hindi pa rin niya nakikilala si JM pero may follower daw si Debbie na pinadalhan siya ng video greeting mula kay JM.

Paborito rin ni Debbie ang singer/songwriter na si Sam Mangubat.

DJ pa rin si Debbie sa mga online radio stations sa Baguio.

“Tatlo yung radio stations ko, KISS FM Kilig 102.7, 2dayFM tapos Your Hope Radio 92.8.

“May coming ako, Galaxy 99.9 sa UK pero yung founder all Filipinos,” kuwento pa ni Debbie.

Sa Baguio nakabase si Debbie; lumuluwas siya ng Maynila kapag may event siya.

At dahil disc jockey at singer at the same time, pangarap ni Debbie na balang-araw ay mga kanta na niya mismo ang pinapatugtog niya sa kanyang radio program.

Taong 2022 nagsimula maging disc jockey si Debbie na nakuha sa pamamagitan ng pag-a-audition niya.

Ni-record naman ni Debbie ang kantang Ang Higugmaon Ka na mapapanood sa Youtube channel ni Kuya Bryan na siyang composer ng nabanggit na Cebuano na kanta.

Paglalarawan ni Debbie  sa Ang Higugmaon Ka, “It’s a ballad song, it’s about love. For example ako may minahal akong lalaki, tapos yung lalaki may mahal na iba.

“Tapos hoping that he will realize na mahal ko siya, ganun.”