Advertisers
HETO na, sa bunton ng nakaabang, naghuhumiyaw ng ‘PBA, MAIBA NAMAN, at wala na umanong excitement sa games dahil anticipated na ang teams na magsasalpukan sa Finals at ang babatak ng kampeonato, biglang kambiyo ang resulta.
Naagaw ang titulo sa defending champ SAN MIGUEL BEER ng super hot at uhaw na MERALCO BOLTS ngayong Season 48 Philippine Cup ng top pro league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA), 80-78.
First ever championship ito ng MERALCO sa PBA history versus super tough team SMB at 1st kay CHRIS NEWSOME for a silverware trophy as Finals Most Valuable Player (MVP). Kumasa si NEWSOME ng average 22.5 pts, 5.3 rebs, 4.5 ass sa title series para itodo ang init at pawiin ang uhaw ng BOLTS.
Teka lang, hirit ng crowd, bakit hindi counted ang 3 pts shot ni TERRENCE ROMEO sa do-or-die game na gitgitan ang laban mula 1st quarter to the last minute? Pumako ang score sa 58 sa halip ng expected na 61 for SMB. Shot clock violation nga ba?
MAY PAGBABAGO SA PBA?
HIRIT ng bashers, ito na ba ang ganap sa previous remarks ni Kume WILLY MARCIAL..na ‘may makikitang pagbabago sa PBA’? What? Orchestrated ang result na manalo ang BOLTS tutal sa 29 titles, super awesome na ang record ng SAN MIGUEL? Sagot daw ito sa pagbaba ng crowd attendance at mga bira na babagsak ang liga sa kawalan ng thrill dahil ‘alam na ang mga susunod na kabanata’ at iba pang monopoly issues.
Kasunod syempre ang obserbations na magaling si Coach LUIGI TRILLO ng BOLTS at nagkamali si Coach JORGE GALLENT sa balasa ng BEERMEN. Common knowledge and vivid fact na napakalakas ng SMB lineup kaya nga sa sobrang individual skill ng players, Death 15 ang giit ni Coach GALLENT instead of the usual Death 5 na strong sword ng BEERMEN sa batch nina ARWIND SANTOS, ALEX CABAGNOT, MARCIO LASSITER at CHRIS ROSS led by JUNEMAR FAJARDO.
Minus ARWIND and ALEX na kapwa naitrade, bakit nga ba nabigo ang SMB na idepensa ang.titulo? Sa Best of Seven series ng Finals, 2 wins lang ang naisubi. Maniniwala po ba tayo sa sigaw ng critics na manipulado ang laban? Tingnan po natin at abangan ang mga susunod na takbo ng liga. Para mas maiba naman, kailan nga ba maghaharap sa Finals ang isang big franchise at isang independent team? Let’s see mga Kaisport.
CHEERS of JUNE
Happy Birthday to Sir PAUL SUPAN of JRU Heavy Bombers, PINKY ROSE ‘THEA’ CANSAS of Cabanatuan, N.E., CHARLES DAVE SANTOS of Bataan, also to Mam JAMIE CASTILLAS and Sir GABRIEL SUPANG of AUPC.More birthdays to come and best blessings! HAPPY READING!