Advertisers
Lahat ay nangangarap sa pag-asenso ng buhay na kung may tsansa ay nanaising LIVE LIKE A STAR.., tulad na lamang sa ipinang-eengganyo ng isang CONDOMINIUM sa QUEZON CITY na bagama’t wala pang OCCUPANCY PERMIT dahil wala pang CERTIFICATE OF COMPLETION hanggang nitong April, 2024 ay nagpatira na ng mga nagsibili ng CONDO UNITS.
Dahil nga sa hindi pa natatapos ang pagpapagawa ng 45-STOREY CONDO at mayroon nang mga nagsibili na omokupa sa kanilang unit ay mala-kontrabidang hirap ang dinadanas sa tuwing mag-uulan dahil binabaha.., take note, hindi po ang basement ang nababaha kundi maging sa upper floor tulad ng 9th floor na kailangang maglimas ng tubig ang CONDO UNIT OWNER para lamang huwag lubugin ng tubig ang loob ng kanilang unit.., kaya ang siste, habang naglilimas ng tubig ang UNIT OWNER e napapamura na lamang sa sitwasyon.
Ang tinutukoy po nating minumura.., este high rise residential ay ang VICTORIA DE MORATO CONDOMINIUM na halos kalapit ng malaking TELEVISION NETWORK na GMA7 at ABS-CBN.., ahhh kaya pala ang pang-engganyo ay “LIVE LIKE A STAR” dahil halos kapitbahay lang ang balwarte ng mga artista sa pellikula at telebisyon.
Mamuhay na parang artista.., pero hindi po kategoryang bida ang malalasap sa VICTORIA DE MORATO dahil ang mga nagsibili ay natututong mag-mura mula sa pahirap na ipinararanas sa kanila ng management gayung fully paid na sila.., na napilitan ang mga nagsibili na ang magta-trabaho for finishing works sa bare unit ay ang INHOUSE CONTRACTOR lamang ang kailangang gagawa.., wow, hindi ba oobra na yung unit owner na ang may karapatang pumili ng magta-trabaho sa loob ng kanilang biniling unit para makatipid sa gastusin; dahil mayroon namang kaukulang CASH BOND na idedeposito ang unit owner para sakaling may masira ang mga trabahador ay may katapat ng bayad?
Batay sa LICENSE TO SELL ng nasabing CONDO ay makukumpleto ang construction noong December 2017 pero magpahanggang ngayon ay ginagawa pa rin ang CONDO BUILDING kaya ang DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) ay hindi makapag-isyu ng CERTIFICATE OF COMPLETION at CERTIFICATE OF OCCUPANCY para sa VICTORIA DE MORATO na nasa T. MORATO AVE., CORNER SCOUT BORROMEO, BRGY. SOUTH TRIANGLE, QUEZON CITY.
Maraming paglabag na umano ang MANAGEMENT ng VICTORIA DE MORATO na ang builder nito ay ang NEW SAN JOSE BUILDERS INC (NSJBI).., kaya naman ang ilang mga CONDO UNIT OWNER ay naghain ng kanilang reklamo sa DHSUD na ang kasalukuyang DHSUD SECRETARY ay si JOSE RIZALINO “JERRY” ACUZAR.., tekaaaa, ito rin ang may-ari ng NSJBI na may-ari rin ng VICTORIA DE MORATO na inirereklamo ng mga naging BUYER sa DHSUD.., hehehe may mangyari kaya sa mga reklamo?
PAGING DHSUD SECRETARY JERRY ACUZAR.. , bilang kayo po ang namumuno sa tamang proseso ng mga pabahay at high rise condominium ay marapat lamang na maging istrikto kayo sa pag-papairal ng mga legal na proseso; ika nga ay wala kayong kukunsintihin na maaaring ang inyong mga pinagkatiwalaang mangasiwa para sa NSJBI ay puro good reports lamang ang ipinaaabot sa inyo na lingid sa inyong kaalaman ay maaaring sinisira na ang inyong image bilang DHSUD SECRETARY?
Posibleng walang inirereport na negatibo ang mga pinagkatiwalaan mong tagapangasiwa ng NSJBI kaya naman nangako ang ARYA BEES na ilalantad nila ang lahat ng mga detalye na lingid sa inyo pong kaalaman ay kayo na ang minumura ng mga nagsibili ng CONDO UNIT sa pag-aakalang LIVE LIKE A STAR sa VICTORIA DE MORATO!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.