Advertisers

Advertisers

LOTTENG AT BOOKIES NI PINONG NAMAYAGPAG SA AOR NI NCRPO CHIEF NARTATEZ

0 18

Advertisers

MAHIGPIT ang liderato ni NCRPO Chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. laban pagdating sa anumang uri ng ilegal na sugal, subalit may mga gambling lord na matitigas ang ulo at hindi natatakot sa umiiral na batas sa bansa.

Pinaiiral ng NCRPO Chief ang “No Take Policy” at sino man sa kanyang mga district directors at station commanders na kumukunsinte sa ilegal na sugal tulad ng lotteng, jueteng at iba pang uri ng sugal na mapapatunayang tumatanggap ng “protection money” sa mga gambling lord kapalit ang kanilang pananahimik ay kakasuhan at tatanggalin sa serbisyo.

Sa kabila ng mahigpit na babala ay may mga pasaway pa ring ilegalista na bumabalewala sa direktiba ni General Nartatez tulad na lamang ng kilalang lotteng lord na si alyas Pinong na hayagan nag-ooperate ng lotteng sa hurisdiksyon ni Marikina City Chief of Police Col. Earl Castillo.



Napakahina naman ng mga intelligence officer ni Col. Castillo kung hindi niya alam ang matagal ng pa-lotteng ni Pinong sa lungsod ni Mayor Marcy Teodoro, gayong ang mga kabo at kubrador ay nagkalat sa mga terminal ng tricycle at jeepney, palengke, ganun din sa mga squatter area.

Hindi natin sinasabing binabalewala ni Col. Castillo ang “No Take Policy” ni NCRPO Chief Nartatez pero ang pananahimik at pagbulag-bulagan ng PNP official sa talamak na lotteng operation ni alyas sa kanyang area of responsibility (AOR) ay senyales ng pagiging inutil na police official.

Samantala sa lungsod naman ng Pasig, isang alyas Laarni naman ang lotteng operator na kapag binubulabog ng mga pulis sa Eastern Police District (EPD) ang bukambibig ay ang pangalan ni Police Chief Col. Celerino Sacro Jr.

Baka naman pwedeng paki-alaman ni EPD Director PBGen. Wilson Asueta Jr. at paalalahanan itong si Col. Sacro Jr. na kumilos laban sa pa- lotteng ni alyas Laarni dahil ang patuloy nitong pananahimik ay nagdudulot ng pagdududa sa taumbayan.

Samantala, may impormasyon rin na pinrating sa inyong lingkod na talamak ang operasyon ng jueteng, bookies, “137” sa Las Pinas City na pinatatakbo ng isang alyas “Es Mer” na malakas diumano ang kapit sa City Hall at SPD maging ang bookies nina alyas Rodel Delos Santos at Reggie Jacobo sa Pateros at Taguig.



Subaybayan!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.