Advertisers
Nailigtas ang anim na menor de edad mula sa tangkang pagdukot ng dalawang suspek sa kahabaan ng West Bank Road sa Pasig City.
Sinabi ng mga awtoridad na ang isang biktima, 14-anyos, na naakit ng suspek sa pamamagitan ng alok na milk tea.
Mayroon din 9 at 11-anyos na mga kapatid ang naturang binatilyo.
Ayon kay Barangay Rosario Violence Against Women and Children-Barangay Council on the Protection for Children Desk Officer Janet Galvez, dinukot din ng mga suspek ang 5 at 2-anyos na nasa pangangalaga ng binatilyo at isa pang 14-anyos na binatilyo na kaibigan ng biktima.
Pinahinto ng pulisya noong Biyernes ng gabi ang isang taxi sa isang checkpoint nang makita nila ang isa sa mga biktima, ayon sa National Capital Region Police Office.
Pinatawag naman na ang mga magulang ng mga biktima para kunin ang kanilang mga anak, na dinala sa barangay hall.
Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law.