Advertisers
Tila namangha sa una ngunit napalitan ng malaking pagdududa ang ilang nakasaksi sa soft-opening kamakailan ng isang kumpanyang ‘networking’ ang linya.
Mistulang isang military drill ang naging opening kumpanyang Prime Z Entreneurs Inc., na isang marketing type, na kung saan may mga taga S.W.A.T. sa nasabing opening. Kaya tanong ng ilan kung pwede nang mag-endorso ang mga kapulisan ng isang pribadong kumpanya?
Isa pa sa ikinabahala ayon sa pagsusuri, meron itong SEC-registration pero subalit walang Department of Trade and Industry (DTI) na kailangan kapag selling or may distribution na kasama.
Makikita din sa talaan nito na ang isa sa binebenta o dini-distribute ay isang “high risk food product” na maaring maging sanhi ng food poisining ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa ngayon, ano kaya ang masasabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., sa mga taga S.W.A.T. na tila naging endorsers ng kumpanyang Prime Z?