Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
MARAMING offers kay Alex Gonzaga na hindi niya tinanggap dahil sa naging priority nga nito ang magbuntis. Isa sa alok na hindi ginrab noon ni Alex ang offer sa kanya ni Mayor Bullet Jalosjos na maging parte ng mga bagong host nila noon sa Eat Bulaga na naging Tahanang Pinakamasaya na wala na sa ere. Ngayon, habang naghihintay sa kalooban ng Diyos na mabuntis sa husband na si Lipa Councilor Mikee Morada ay unti-unti nang nag-a-accept ng product endorsement ang comedienne at top vlogger. And this time ay makakasama uli nito ang kanyang dear Mommy Pinty na naka-work niya noon sa Coca-Cola campaign project, Wow Sarap na kasama rin nila si Daddy Bonoy Gonzaga, etc.
Yes, sina Mommy Pinty at Alex ang kinuha ng UNIHERB CORPORATION para maging new Ambassadors ng kanilang Eyeberry at Eyeberry Gold. Sina Isko Moreno at Maine Mendoza ang dating endorsers nito. Pumirma ng kontrata ang famous mom and daughter last June 22. Ang Eyeberry ang iniindorso ni Mommy Pinty para sa panlalabo ng mata na isa sa komplikasyon sa taong may diabetes. Kumbaga, ito ay food supplement na mapoproteksyonan ang inyong mata sa pagkabulag. Si Alex naman ay ang Eyeberry Gold, ang pino-promote na para naman sa mga GenZ at ka-edad niya na pagod ang mata na pumipitk-pitik na sanhi ng maghapong trabaho na babad sa laptop at cellphone o kaya ay panonood ng telebisyon. Magiging proteksyon din ito sa mapaminsalang Blue Light at may sangkap na 10 mlg ng Lutien. Available ito sa Mercury Drug Store, Rose Pharmacy and other leading drugstores. Also in Shopee and Lazada.
Hayan, mapanirang Manang Cristy Fermin na parating sinasabi na laos na si Alex at wala na raw career. Sampal ito sa iyo at may susunod pang endorsements si Alex also Mommy Pinty and Daddy Bonoy na patok sa kanilang BoPin Vlog lalo na sa kanilang libong ka-maintenance na viewers worldwide.
Si Alex naman, aside sa kanyang over 13 million subscribers sa official Youtube Channel na ALEX GONZAGA ay consistent sa kanyang million views sa upload nitong mga videos. Super bongga di ba?
***
KUNG pagbabasehan ay rami ng ginawang special screenings para sa isang pelikula, aba’y walang duda o question, ang “The Untold Story of Imelda Papin” na ang winner. At nationwide ang isinasagawang special screening ni Ms. Imelda Papin with her co-stars including her singer-actress-beauty queen daughter Maffi Papin-Carrion and sisters Aileen and Gloria Belen.
Sa Mega Manila screenings ay ka-join ni Manay Imelda na bagong Director ng PCSO si Claudine Barretto na ginampanan ang life story niya sa movie na parte si Mel, na lumabas bago mag-ending ang pelikula. But the big revelation of this historical-drama film na dinirek ni Gabby Ramos ay si Maffi na ginampanan ang sarili niya. Ang husay-husay ni Maffi sa mga eksena nila ni Gary Estrada na portrayed her late Dad, Bong Carrion in their movie.
In all fairness, kayang-kaya ni Maffi na makipagsabayan sa mga mahuhusay nating actress. And for me, she’s my Best Actress at sana ay mabigyan pa si Maffi ng maraming challenging roles sa movie o kaya ay sa teleserye ng ABS-CBN o GMA7. Parte rin ng cast ng The Untold Story of Imelda Papin sina ER Ejercito (Pres. Ferdinand Marcos Sr), Alice Dixson (First Lady Imelda Marcos), Angelica Jones and many more. Yes, base sa ilang reviews ay mas maganda at mas makatotohanan ang pelikulang ito kaysa Maid In Malacañang ni Darryl Yap.