Advertisers

Advertisers

Barbie at David level-up na ang aktingan sa ‘That Kind Of Love’

0 13

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

KAHIT pang-camera lang ang relasyon nina Barbie Forteza at David Licauco, suportado pa rin sila ng kanilang mga tagahanga at maraming nagmamahal sa kanilang tambalan.

Ilang serye na rin ang pinagsamahan nila at talaga namang klik na ang kanilang loveteam na BarDa.



Kahit magkasalungat ang kanilang personalidad, outspoken si Barbie at may katipiran sa pagsasalita ang tinaguriang Pambansang Ginoo, nagkakasundo pa rin sila at talagang tinatangkilik ng mga manonood.

Kaya nga matapos ang paglabas sa ilang serye sa GMA7 gaya ng Maria Clara at Ibarra at  Maging Sino Ka Man, susubukan naman ngayon ang lakas ng kanilang tambalan sa romantic film na That Kind Of Love na hatid ng Pocket Media Productions, Inc.

Naiibang Barbie at David ang mapapanuod sa pelikulang ito. Dating coach at psychologist ang gagampanan ng aktres habang ang aktor ay CEO ng isang shipping company.

Dito na iikot ang istorya ng dalawa na ang kabuuan ay kinunan sa Korea.

Tsika nga ni Babrie, nag-level up na raw sila ni David pagdating sa pag-arte at maturity. Marami rin anyang matutuwa at makaka-relate na Ka-drama fans sa kanila.



Hindi rin siyempre mawawala na umasa ang mga tagahanga nila kung may love scenes sila sa That Kind of Love kaya tiniyak ng BarDa na hindi sila mabibigo sa kanilang inaasahan.

“PInag-uusapan namin pag masyadong intimate ang eksena para maging kumportable kami,” sey pa ni Barbie.

Kasama rin ng BarDa sa pelikula sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Divine Aucina, Kyla Estrada at Ivan Carapiet. Mula ito sa direksyon ni Catherine Camarillo at ipalalabas na sa mga sinehan sa July 10.

Kasabay nito, idaraos ang premiere night ng That Kind Of Love sa July 4 sa SM Megamall.